Napaamang ako nang bumukas ang pintuan habang naglalakad ako papunta sa kusina ng condo ni Miggy. Napahinto ako sa paghakbang at pagsubo ng ice cream na nasa kutsara ko nang makita si Miggy na papasok kahalikan pa ang isang babae na hindi magkandaugaga kung paano tatanggalin isa-isa ang butones ng pang-itaas ni Miggy. Napahigpit ang hawak ko sa ice cream na kinakain ko habang nakasunod sa bawat galaw nila. Nakatitg ako kung paano hagkan ni Miguel ang babae na tila ba uhaw na uhaw sa ganitong bagay. Ito ang unang pagkakataon na makita ang ganitong eksena niya, kung sa isip ko lang nakikita ito ay may hapdi na.
Ngayon na nakita ito mismo ng aking mga mata......
Mabilis akong tumalikod at humakbang papunta sa banyo at ipininid kaagad ang pintuan pasara.
Sumandal ako doon at walang gana na ibinalik ang ice cream na mismong lagayan nito na dapat ay isusubo na kanina.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sabay iling.
Napahawak ako sa dibdib ko na tila ba unti-unting nagpaparamdam ng kakaibang sakit at sikip dito.
I covered my ears with my both hands and closed my eyes tigthly after I threw the cup of ice cream that I am eating a while ago.
Kanina ay sarap na sarap ako dito.
Pero ngayon...
Sana pala hindi na ako pumunta dito. Kung hindi lang toxic sa meeting kanina ay hindi ako aabot dito.
Kapag nandito ako sa condo niya ay nakakapag-relax ako kahit papaano.
Dapat pala sa club ako pumunta at doon nag-relax..
Napapitlag ako ng marinig ko ang pagpihit ng knob ng pintuan kaya napatayo ako at napatitig doon.
Sunod na aking narinig ay katok mula sa labas.
"May kasama ka sa dito?"
Narinig ko ang tinig ng babae na kasama siguro niya kanina..
Humalikipkip ako habang hinihintay ang isasagot niya.
"Wala naman. Wala akong maalala na may kasama ako dito sa condo. Maliban na lang...."
Huminga ako ng malalim sabay hawak sa knob ng pintuan. Pinihit ko iyon at hinila pabukas.
Napatitig silang pareho sa akin. Nasa mukha ng babae na halos hubad na ang suot na damit ang pagkalito at pagkagulat. Napatitig din siya sa suot kong maluwag na t-shirt na umaabot lang hanggang sa gitna ng aking mga hita. Damit ito ni Miggy actually. Humalikipkip ako at tumitig kay Miggy na natawa sabay sapo ang ng kaniyang noo. Napailing pa siya habang tumatawa ng mahina.
"Miggy? Sino siya?" Nasa tono ng babae ang pagkairita pero wala akong pakialam.
"Hmmmm." Tumalima siya at hinarap ang babae. "I think, you should go-
"What?" Nanlalaki ang mga matag tanong ng babae. Lihim akong natawa sa gulat at iritasiyon sa kaniyang mukha. Napaismid ako. Never kong ikino-compare ang mukha ko sa ibang babae. Pwera na lang sa mga babae ni Miggy. Magaganda ang mga babaeng sinasamahan niya, pero para sa akin ako pa rin ang pinakamaganda sa kanilang lahat.
Inakbayan niya ang babae at inakay papalayo sa akin. Nilingon pa ako ng babae at nang may ibulong si Miggy dito ay mas tumalim ang titig nito sa akin.
"Hindi mo na ako magpapakita sa iyo!" Pananakot niya kay Miggy.
Ngumiti lang si Miggy tumango. "Sure..." atsaka pa siya kumaway bago padabog na lumabas ang babae.
Nang lumingon siya sa akin ay kaagad nagbago ang ekspresiyon sa kaniyang mukha. Seryoso ang titig niya sa akin. Pinamulsahan niya ako habang pinagmamasdan mula ulo hanggang paa.
