"Hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat namin gawin para sundin mo ang nais namin. Hindi kana nagbago. Ginagawa mo pa rin kung ano ang nais mo." naiiling na sermon ni Mom sa akin habang nasa sala kami pagkatapos ko na ipaalam sa kanila na nagbalikan na talaga kami ni Miggy.
At hinihingi ko ang permiso nila na hayaang pumunta sa bahay si Miggy at hayaan itong kausapin sila ng maayos.
"Mom, masaya ako. Masaya ako kapag kasama si Miggy. Mahal ko siya at mas magiging masaya ako kapag ibinigay ninyo ang permiso na magsama kami—
"Natalie!" putol ni Mom sa sasabihin ko atsaka tumayo. "Tigilan mo ako. Ano'ng magsama? Bakit? Mag-asawa ba kayo para magsama ng ganoon? Gusto mo ba akong ma-stress lalo sa mga sinasabi mo?"
"Mom,." tumingin ako kay Dad bago huminga ng malalim at sumagot. "Mom, I already gave everything to him. Nasa kaniya na lahat. Ibinigay ko ng buung-buo. Alam mo na."
"Natalie.." sita ni Dad sa akin at sinenyasan ako na tumigil na.
"My God! How could you say those words like it was just nothing?" tila nagugulantang na singhal ni Mom sa akin. Maging si Kuya ay napapailing sa kaniyang tabi.
Umismid ako at lumabi. "Masaya ako. At alam ko na iyon lang ang mahalaga sa inyo." tumingin ako kay Mom at ngumiti ng may sinseridad. "Mom, hindi ako magiging masaya kung hindi rin si Miggy ang makakasama ko. Alam ko na alam mo iyan."
"Sabihin na namin na okay sa amin. Paano ang pamilya niya? Gusto ka ba nila? Okay lang ba sa kanila?" ani Natasha atsaka umismid sa akin.
"Wala silang karapatan na tanggihan si Natalie. Bakit? Sino ba ang may anak na nagkamali? Dapat nga ay kami ang mag reklamo—
"Kung saan ka masaya. Doon kami. Basta siguraduhin mo na sa pagkakataon na ito ay magiging okay kana." putol ni Dad sa sasabihin ni Mom. Humalukipkip si Mom na parang bata at tinapik sa braso si Dad.
Lumawak ang pagkakangiti ko at yumakap kay Dad. Niyakap din niya ako at nang tignan ko si Natasha ay napangiti rin siya at kaagad din sumimangot nang makitang nakatitig ako sa kaniya.
Alam ko na nag-aalala siya sa akin kaya siya ganiyan.
Maging si Kuya Nathan ay ngumiti sa akin bago naglakad papalabas.
"Ako ngayon ang masama sa bahay na ito?Ganoon?"
Natawa ako sa daing ni Mom at yumakap din sa kaniya pagkatapos.
"I know you're happy that I'm smiling again like this. Hindi mo iyon maikakaila Mom. I love youu.."
Hindi umimik si Mom. Basta niyakap niya ako mg mahigpit at narinig ko ang pagsinghot niya.
Alam ko na alangan pa rin siya na ipaubaya ako kay Miggy. Pero dahil alam niya na masaya ako ay hindi na siya kokontra pa.
Kahit papaano ay nakakakita ako ng pag-asa na magiging okay din ang lahat sa amin.
At naniniwala ako ma darating ang araw na wala na akong aalalahanin pa.
"Your Mom..."
Napatingin ako kay Miggy habang nakaupo ako sa kama habang siya naman ay papalapit sana sa akin pero napahinto at nakatitig sa phone niya.
"What?" naiinip ko na tanong.
Tumingin siya sa akin at naglakad papalapit sa akin.
Nang basahin ko ang mensahe sa phone niya ay natigilan din ako.
"Samahan kita?" tanong ko at kumapit sa kaniyang braso.
