16

14 1 0
                                    











"Nasa labas si Miggy. Hinahanap ka. Bakit kasi hindi ka lumabas?" Natatawang sabi sa akin ni Drew nang makapasok sa mismong opisina niya sa loob ng AD cafe sa RE club. Dito ako nagdesisyon na pumunta dahil sa hindi pa namin nasisimulan talaga ang business na sinasabi ni Miggy. Pagkatapos ng araw na iyon ay mahihiya akong magpakita kay Miggy kaya kahit ano'ng message niya at tawag sa akin ay sinasabi ko na may inaasikaso pa ako bago ang lahat.

Nag-init ang mukha ko nang maalala ang nangyaring iyon.

Did I really say that!

No!

Pero kahit ano'ng iwas ko, dumadating pa rin ako sa punto na kailangan ko siyang harapin dahil iyon naman ang dapat. Dahil magkaibigan kami at hindi pwedeng iniiwasan ko siya.

"Kailangan ko lang naman itanggi ang lahat hindi ba?" Nakangiwi ko na tanong kay Drew.

Napahinto siya sa pagtipa sa phone niya at tumingin sa akin.

"Kung magtatanong siya. P'wede mo itong itanggi. Pero..." huminga siya ng malalim at sumandal sa mesa sa gilid namin. "Kailangan ba talaga na itanggi lagi? My God. Tingin ko naman ay gusto ka rin niya. Hindi ko alam kung bakit ang tagal bago ninyo-

"We just can't." Ngumiti ako ng mapait at tumayo. "I'm just a friend to him. It's just complicated. Or maybe I am just thinking too much. But the truth is, I'm afraid to be rejected. And I'm afraid that I might ended up hurting even he'll say that he feels the same way. I don't know. Kaya ganoon din ang takot ko na magsabi ng aking nararamdaman. Naiisip ko pa lang, nababaliw na ako."

"Is that so? Kung ganoon iyon, naiintindihan kita kahit naguguluhan ako. Maybe there's a story about that. And I'm not forcing you to tell me. Basta nandito lang ako. Kami. Okay?"

Tumango ako at naglakad papalabas ng opisina niya.

Paglabas ko ay nakita ko agad si Miggy na nilalapitan ng ibang mga babaeng guest sa loob ng cafe pero mukhang nire-reject niya ang mga ito sa kilos at ngiti niya. Maging ang pagkadismaya ng mga babae pagkatapos siyang kausapin.

Nang kunin niya ang phone sa bulsa at itinapat sa tenga niya ay tumunog ang phone ko.

At siya ang tumatawag.

"Yes..." sagot ko.

"Meet me at the back of the cafe." Tumawa siya ng mahina at nang tumingin ako sa direksiyon niya ay sa akin na siya nakatitig. "Ayoko na ma-bash ka pagkatapos ko silang tanggihan dahil magkikita tayo."

My heart. It skipped a beat when he said that.

Napalunok ako at walang nasabi.

Basta ang alam ko, ang puso ko ay nalulunod sa pakiramdam na tanging siya lang ang nakakapagpadama sa akin.

Wala sa loob ko na tumalima nang ituro niya ang pintuan papunta sa likod ng cafe. Humakbang ako papunta doon nang sapo ang aking dibdib sa kaba na aking nararamdaman.

Sumandal ako sa pader doon habang nakapamulsa at nakatitig lamang paibaba hanggang sa makakita ako ng puting sneakers na tila ba isang malaking kasalanan kapag nadumihan ang mga ito.

At kilala ko ang mga sneakers na ito.

Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay para bang ilang buwan kaming hindi nagkita. Sa bawat araw na lumilipas ay mas lalong sumisidhi ang nararamdaman ko para sa kaniya kahit pilit ko itong iniiwasa.

Hinding-hindi ako pagbibigyan ng aking puso na kalimutan ang espesyal na nararamdaman ko para sa kaniya.

He's my one and only.

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon