29

17 2 0
                                    

"Mukhang hindi tayo nag-iisa King."

Napalingon ako sa nagsalita mula sa likuran ko. Sisilip pa lang sana ako sa pintuan para tignan kung nasa loob na si Gray. Halos isang oras na akong late sa meeting at kanina pa ako tinatawagan nina Blake.

Ihahatid ko pa sana si Nat pero hindi na siya nagpahatid dahil late na nga ako.

"Late ka din?" Tanong ni Jarviz sa akin sabay siko kay King. "Bro, nakalimutan natin. May mas malala pa pala sa atin sa club."

"Tss. Huwag mo akong itulad sa inyo-

Hindi ko naitutuloy ang aking sasabihin nang akbayan ako ni Jarviz at gamit ang isang paa niya ay itinulak niya ang pintuan pabukas.

Kaagad napako ang mga mata ng ilang miyembro sa amin.

"Wow! Ang dami natin!" Kunwari ay gulat na gulat na bulalas ni King.

"Woah. Gray is really back. Naipon niya kayong lahat." Tila namamangha rin na sabi ni Jarviz.

Inalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin at iniayos ang kwelyo ng suot ko na kulay itim ko na sport coat na binili pa namin ni Nat kanina.

"Don't touch me, jerk. Hindi tayo close." Nakaismid ko na suway sa kaniya atsaka hinanap sina Blake kung saan nakaupo.

Nang makita ko sila ay sinenyasan nila ako na huwag lalapit sa kanila.

Kumunot ang noo ko at sumimangot.

"Mga traydor." Bulong ko at humakbang papalapit pa rin sa kanila.

Nang makaupo ako sa tabi ni Blake ay kaagad naagaw ng paningin ko si Gray na nakaupo sa harapan at madilim ang mukha na nakatitig sa amin.

Umiwas ako ng tingin at kinalabit si Damon sa tabi ko.

"Beast mode ata?" I asked.

"Yeah. Madami kasi ang late ngayon. Isa kana doon." Bulong ni Damon at napailing. "Wala pa sina Eli at Lee. "

Napaamang ako tapos natawa. "Akala ko ako lang ang late. Mas malala pa pala sina Eli at Lee. Bakit daw wala pa sila?"

Blake shrugged when I looked at him.
"Walang balak pumunta si Eli alam ko. Si Lee wala akong balita sa kaniya pagkatapos noong may nangyari sa opening ng shop mo."

"Yeah. Ni hindi nagpaparamdam ang loko." Sang-ayon naman ni Damon.

"Tss. Sabi nang walang magpapa-late eh." Naiiling na sabi ni Cody na tumayo atsaka tumingin sa kaniyang hawak na tablet. "Ang dami pang wala Gray. Pwede na ba tayong mag-umpisa?"

"Bigyan pa natin sila ng ilang minuto." Ani Cloud na nakangiti atsaka tumayo. "Mas lumala ata kayo simula noong mawala si Gray dito."

"Mukhang malungkot ka, Cloud." Puna ni Irvin na mukhang nauna kina King at Jarviz sa pagpunta dito.

Siniko ni Sky si Irvin na kakaupo lang sa tabi nito. Nang tignan ko si Cloud ay sandaling napalis ang kaniyang mga labi pero nakabawi rin agad at muling ngumiti.

"Mukha ba?" Tumawa nang mahina si Cloud at ipinamulsa ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng kaniyang trouser. "Ipinagdarasal ko na sana ay laging masaya ang buhay mo. May God bless you." Sumeryoso bigla ang mukha niya at iginala ang paningin sa amin. "Pakitawagan ang mga wala pa. Kapag hindi sila dumating dito sa loob ng kalahating oras, pasensiyahan tayo. We'll terminate their contract for being a member of this club and they will pay for the penalties."

Natigilan ako sa kaniyang tinuran. Hindi matatanggap nina Eli at Lee na matatanggal sila. Mas matatanggap nila na sila ang mismong aalis sa club, imbis na tanggalin sila. Hindi iyon matatanggap ng pride nila.

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon