1

42 3 2
                                        












"Wait lang. Wait lang."

"Miggy!"

Tumayo ako at kinuha ko ang phone sa pantalon ko na tumutunog nang walang tigil.

Tumingin ako sa kay Neri na nakaupo sa kama at nakahalukipkip habang nakatitig din sa akin. Walang pakialam sa kaniyang kahubdan na nakahantad sa aking harapan.

"I'll just answer this call. Okay?" Nakangiti ko na sabi sa kaniya at tinignan kung sino ang tumatawag. Si Mom. Lumingon ako kay Neri at ngumiwi. "My mom." Wika ko atsaka sinagot ito habang naglalakad papasok ng banyo. "My, ano na? Busy ako-

"I need you to go home now. Nandito ang kuya Miro mo at lasing na naman. Hinahanap ka."

Nasapo ko ang aking sariling noo at napatitig sa aking sarili sa salamin.

"Nice My. Nice timing My. Pakisabi kay Kuya Miro bumalik na siya sa resto bar niya at doon mag-focus-

"Miguel! Alam mo naman na ikaw lang ang makakapagpahinahon sa kuya mo."

Huminga ako ng malalim at napasuntok sa ere. Tangina.

"Fine. Uuwi na."

"I'll give you 20 minutes for you to get here. Iwanan mo muna ang kalandian mo Miguel-

"Uy. Grabi siya! Bibig mo My!"

Narinig ko ang pagtawa niya ng pagak sa kabilang linya. Alam ko na naaasar siya sa kaniyang bunso na kilalang-kilala niya ang mga gawain.

At ako iyon.

Pero tulad nga ng sabi niya, anak niya ako. Wala na siyang magagawa. Basta huwag ko daw sisirain ang reputasiyon ng aming pamilya. Okay na daw na muntikan na itong nasira ni Kuya Miko. Huwag na daw akong sumali pa.

"Sige na Miguel. Mag-iingat ka."

"Okay My."

Paglabas ko ng banyo ay ngumiti ako ng pasimple kay Neri at kinuha ang shirt ko na nasa lapag.

"Ano na?"

Napakamot ako ng ulo at ngumiti ulit sa kaniya ng tagilid.

"Kailangan ko na munang umuwi ngayon." Sa wakas ay sabi ko at lumapit sa kaniya. "Tatawagan na lang kita ulit." Wika ko at ngumisi. "Okay lang ba?" Nanunudyo ko na tanong habang nakatitig sa kaniyang mga mata na puno ng pananabik. "Tatawag ako." I gave her a light kiss on her lips and turned my back on her. Iwinagayway ko ang kamay ko habang nakatalikod bago sinuot ang aking shirt. Hinila ko ang jacket ko sa upuan at muling kumaway paalis.

"Tatawag? Miggy wala ka naman contact sa akin--

Iyon lang ang huling narinig ko sa kaniya dahil sa hinila ko na pasara ang pintuan. Habang naglalakad ako papalabas ng hotel ay hindi nawawala ang mga bati ay ngiti ng mga kababaihang staff sa akin. Maganda at masiglang ngiti ang ibinabalik ko sa kanila bilang ganti sa pag-aasikaso nila sa akin sa tuwing nakakaapak ako sa hotel na ito.

Nang tuluyan akong makalabas at dumiretso kung saan naka-park ang kotse ko ay dahang-dahan napapalis ang mga ngiti sa aking labi.

Pagpasok ko ng aking kotse ay napasandal ako sa aking kinauupuan habang nakapikit.

Sa kabila ng mga suporta na natatanggap namin sa mga tagahanga namin ay hindi pa rin mababago ang katotohanan na kailangan namin magpahinga.

Wala ito sa plano noong nag-umpisa kami.

Hindi pumasok sa isipan ko na magkakaroon kami ng hiatus at hindi ko alam kung kailan kami babalik.

Ilang buwan na rin ang lumipas pero hindi ko pa rin lubos na matanggap ang nangyari.

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon