49

24 1 0
                                        


Tinulungan ko ulit si Mom sa business niya dahil na rin sa gusto ko na malibang. Ayoko ng wala akong ginagawa dahil na rin sa kung anu-ano ang bagay na pumapasok sa aking isipan.

Madalas ay si Miguel.

Kilala ko ang sarili ko.

Kahit sinasabi ko na okay na ako, iba ang isinisigaw ng isip at puso ko.

Dahil nakita ko ulit siya at malapit ulit siya sa kung nasaan ako ay palagi kong siyang naalala.

I missed him.

Iyon ang totoo.

Walang nagbago.

Ilang Linggo na ako sa Pilipinas at ang huling kita ko sa kaniya ay noong inuwi niya ako sa suite niya sa club.

At hindi ko makalimutan ang babaeng kausap niya sa phone.

Napabuga ako ng hangin sa ere atsaka sumandal aa kinauupuan ko. Inikot-ikot ko iyon habang nakapikit ang aking mga mata.

Nagulat pa ako nang may kumatol sa pintuan sabay bukas nito.

"Gulat na gulat?" Ani Drew na dire-diretso ang pasok. Pangiti-ngiti pa siya atsaka umikot sa harapan ko hawak ang dress niya na tila ba nasa mood talaga ito ngayon.

Tumaas ang isang kilay ko at hindi nagsalita.

Umupo siya sabay ngiti ulit sa akin.

"Nag-lunch kana?" She asked smiling at me.

"What's with that smile? Nakakatakot." Natatawa ko na tugon atsaka napailing.

Inilapit niya ang mukha sa akin at sinenyasan ako na mas lumapit pa.

Nanlaki ang mga mata ko nang may ibulong siya sa akin.

"Seriously?"

Tumango siya at kunwari ay pinunasan ang mga luha. Mangiyak-ngiyak kasi siya habang nakatitig sa akin.

"Congratulations!" Bulalas ko atsaka tumayo. Tumayo din siya at yumakap sa akin.

"I'll raise my baby alone..."

Napaamang ako sabay marahang kumawala sa yakap niya.

Lumabi siya at huminga ng malalim. Umupo siyang muli at tumitig sa akin.
"Ang kapal ng mukha niya para balewalain ako." Daing niya na puno ng hinanakit atsaka humalukipkip.

Umupo ako sa harapan niya nang makahila ako ng upuan sabay hawak sa kamay niya.

"Bakit? Hindi pa kayo okay?" Tanong ko atsaka hinaplos ang kamay niya.

Umiling siya at bumuga ng hangin sa ere.

"Kaya ko na palakihin ang baby ko-

"Tss. Umayos ka nga Drew Marzan. Hindi na kayo bata para magkaganiyan. You're pregnant. Sigurado naman ako na siya ang ama-

"Hindi ka sure." Natatawa na putol niya sa aking sasabihin na dahilan para pakawalan ko ang kamay niya.

"You're crazy." Naiiling ko na sabi sa kaniya na tinawanan lang niya.

She crossed her legs and smiled at me.
"Hindi ko siya kailangan.."

"Drew!" Naiirita ko na sabi na may halong pag-aalala. Napakatigas ng ulo niya.

"Wala siyang ginagawa. Hindi niya ako sinusuyo. Magdusa siya. Manganak man ako, hindi niya malalaman na siya ang ama. Kapag tinanong niya ako, sasabihin ko na nakipag-sex ako sa iba-

"Sira ulo." Pasuko ko na sambit atsaka tumayo. "Tsk. Ayusin mo Drew. Umayos ka." Naiiling ko ma sermon sa kaniya atsaka hinila ang bag ko bago ko siya hinawakan sa braso. "Come on. We will tell him what going on. Sigurado ako na magiging okay kayo."

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon