Paglabas ko ng kotse ko ay kaagad kong nakita si Harvey na nakatayo sa tabi ng kaniyang kotse at mukhang ako talaga ang hinihintay niya. Pagkatapos kong mag-message sa kaniya last week ay hindi na ako nakarinig ng kahit ano mula sa kaniya.
Kaya naman hindi ko inaasahan na nandito siya ngayon.
Humakbang ako papalapit sa kaniya.
At nang buksan niya ang pituan ng kotse niya ay pumasok ako doon hanggang sa makapasok din siya.
Tahimik lang kami ng ilang minuto. Pero sa huli ay nagsalita rin siya.
"Is it because of Miggy?"
Tumingin ako sa kaniya at ngumiti ng bahagya.
"Ginawa ko lang kung ano ang alam kong tama." Tugon ko. "I really appreciate everything. Pero..." humigpit ang hawak ko sa tela ng skirt ko. "Pero wala talaga akong maramdaman. Ayoko na tumagal pa ito dahil mahihirapan tayo pareho. Gusto ko lang magpakatotoo..."
"Naiintindihan ko."
Nang tignan ko siya ay hindi ko inaasahan ang kaniyang sumunod na ginawa.
Nanatili akong nakamulat habang pinakikiramdaman kung ano ba ang epekto ng halik niyang ito sa akin.
Wala.
Wala akong maramdaman.
Malayung-malayo sa ipinararamdam sa akin ni Miggy sa tuwing hinahagkan niya ako.
Pareho kaming napalayo sa isa't isa nang may kumatok sa bintana ng kotse.
Sunod na nangyari ay ang pagbukas ng kung sino mula sa labas sa pintuan ng kotse.
At isang kamay ang humila sa braso ni Harvey palabas.
Napaamang ako nang mahagip ng paningin ko mula sa labas si Miko.
Nang makita kong aambahin na niya ng suntok si Harvey ay malakas ang tinig ko na tinawag ang pangalan niya.
Doon siya huminto at napalingon sa akin.
Nasa mga mata niya ang galit at gigil habang nakatitig sa akin.
"You're crazy!" I almost shouted and went out of the car.
Nagmamadali akong pumagitna sa kanila hanggang sa ako mismo ang nagtanggal ng pagkakahawak niya sa kwelyo ni Harvey.
"What do you think you're doing?" Paasik na tanong ni Harvey at mukhang nakilala nito si Miko. "Are you out of your mind?"
Miko tilted his head to the side and glared at him. Kahit hindi ako ang kaniyang tinitignan ay nakakaramdam pa rin ako ng kaba sa mga matang iyon na tila ba pati kaluluwa mo ay kaniyang nais durugin.
"I don't care if you're Hector's brother." He said nonchalantly. Nang humakbang siya papalapit sa amin ay napaatras ako kay Harvey. Hinawakan ako sa balikat ni Harvey at hinila papunta sa kaniyang likuran. "Don't make me mad, Harvey. Baka hindi ako makapagpigil."
"What's your damn problem?" Pagalit na tanong ni Harvey sa kaniya.
Napaatras ulit ako nang sa akin na siya tumingin. Ngayon ay namumungay ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin.
"Natalie...." he called my name and smiled coldly. "That was disgusting. You know. I'm so disappointed in you.."
Hindi ko siya pinansin dahil ayoko. Bagkus hinarap ko si Harvey.
"Harvey, umalis kana. Mag-iingat ka. Again, I'm so sorry."Bago tumango si Harvey ay tumingin pa ito kay Miko na nakapamulsa at nakamasid sa amin.
Pinisil nito ang kamay ko bago nagpasyang pumasok sa kotse nito. Inihatid ko lamang ito ng tingin bago ko tinalikuran si Miko na hindi kumikibo.