48

12 0 0
                                    







Huminga ako ng malalim at nakangiting tumitig kina Mom at Dad na kumakaway sa akin habang naglalakad ako papalapit sa kanila.

Dalawang taon. Dalawang tao na sa videocall ko lamang sila nakikita. Maging sina Kuya Nathan at Natasha na nakatingin din sa akin habang nasa mukha ang excitement na makita ako. I missed them so much. Sa loob ng dalawang taon ay kasama ko sila na muling bumangon at lumimot sa lahat.

Ang totoo, gabi-gabi ay bumabalik pa rin lahat sa akin ang lahat. Siguro ay hindi ko ito lubusan makakalimutan pero nalalampasan ko naman ito dahil sa pamilya ko.

Mas naging matibay ang samahan na mayroon kami dahil suport namin ang bawat isa. Masaya ako na parte sila ng buhay ko at alam ko na mahal na mahal nila ako.

Pinili ko na bumalik na dahil sa tingin ko ay kailangan ko pa rin harapin ang lahat kahit papaano.

At nami-miss ko ang Pilipinas. Ang mga tao dito, ang mga lugar na madalas kong puntahan at ang mga paborito kong pagkain na luto ni Mom. Miss ko na rin ang mga paborito kong tao sa lugar na ito.

My friends...

Ang mga kaibigan ko na sinamahan din ako hanggang sa maging okay ako..

Kaya pagkatapos ko na kumain ng lunch kasama ang pamilya ko ay nagpaalam kaagad ako sa kanila.

Gusto ko na surpresahin si Frances. Siya ang nais ko na puntahan muna ngayon dahil siya ang kausap ko bago ako lumipad pabalik ng bansa.

Wala sa kanila ang may alam na umuwi na ako.

Dumiretso ako sa kanilang bahay at nakangiti akong sinalubong ng kasambahay nila nang makapasok ako.

"Si Frances?" Magiliw ko na tanong sa kasambahay nila.

"Nasa taas po, sandali lang po at tatawagin ko." Paalam nito atsaka nagmamadaling naglakad paakyat ng hagdanan.

Natawa ako at humakbang papunta sa comfort room nila. Wala naman nagbago sa bahay kaya alam ko na rin kung saan nakapwesto ang comfort room dito.

Pagkahawak ko sa door knob ay siya naman paghila ng kung sino man ang nasa loob pabukas.

Kaya bahagya akong sumama papasok at doon ay naipinid ko ang mga palad ko sa dibdib ng lalakeng nandoon.

Nang dahang-dahan akong mapaangat ng tingin dito ay napaamang ako nang makita ang mukha ng lalakeng nasa harapan ko ngayon.

Siya man ay nasa mukha ang pagkagulat sa gwapo niyang mukha.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nagkatitigan bago ko ma-realize ang lahat.

Napatikhim ako at bahagyang itinulak siya papalayo. Humakbang ako paatras pero sa kasamaang palad ay napatid pa ako sa ginawa ko.

Ang buong akala ko ay babagsak na ako pero mabilis niyang naipulupot ang kaniyang braso sa beywang ko. Napahawak ako sa magkabila niyang braso dahilan para hilahin niya ako patayo papalapit pa lalo sa kaniya.

Nataranta ako at muling lumayo sa kaniya kaya pinakawalan naman niya ako.

"I-I'm sorry." Naisambit ko at hindi napigilan ang mautal.

Nakita ko ang malalim niyang paglunok pero tila mabilis din na nakabawi sa pagkagulat.

He combed his fingers on his hair and looked away.

"It's okay." Matipid niyang tugon atsaka humakbang palabas ng tuluyan. Bahagya pa akong tumabi nang maglakad siya papalayo para hindi kami muling magkadikit.

Mabilis akong pumasok sa banyo at ipininid pasara ang pintuan sabay titig sa aking sarili sa salamin.

Pulang-pula ang mukha ko habang mabilis na mabilis ang pagpintig ng puso ko.

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon