Pagbukas ko ng pintuan ay napatitig ako sa lalakeng nakatayo sa harapan ko. Habang nakatitig ako sa kaniya ay hindi ko maiwasan na humakbang papalapit at yumakap sa kaniya. Ipinikit ko ang aking mga mata nang maramdaman ko ang pagganti niya ng yakap sa akin.
After all, kahit ano pa ang gawin ko na pag-iwas o pagtaboy sa kaniya kusa pa rin kaming lumalapit sa isa't isa. Hindi ko na rin alam kung ano na ba ang mangyayari sa amin. Pero nakakasigurado ako, tanging siya lang ang gusto ko. Kahit palagi niya akong pinakakawalan. Kahit palagi akong nasasaktan dahil sa kaniya. Sa ayaw ko man o sa hindi, siya ang aking pahinga. Siya ang aking pampakalma.
"Did you sleep well?" Malamyos ang tinig niyang tanong sa akin. Ramdam ko ang paghaplos ni Miggy sa aking buhok at ang paulit-ulit na halik niya sa aking ulo.
"Not really." Tugon ko at nagpatangay sa kaniya habang inaalalayan ako papasok sa loob.
Nang makaupo kami sa kama ay kinuha niya ang magkabila kong kamay atsaka dinala sa kaniyang mga labi habang nakatitig sa akin.
"Nag-aalala sina Czai sa iyo. Kaya mo ba na mag-attend sa binyag bukas?"
Tumango ako at nanatiling nakatitig sa kaniya.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa aking mga kamay bago bumuntong-hininga.
"Nat..."
"Hmmm.."
Tila ba may nais siyang sabihin pero may parang pumipigil sa kaniya..
"Nat..."
Tumitig lang ako sa kaniya at doon ko nakita ang pamumula ng kaniyang mukha habang mahigpit ang hawak sa akin.
"Pinag-isipan ko ito buong gabi pagkatapos ng nangyari kahapon. Hindi ko kayang manood lang. Hindi ko kayang mag-trabaho at malayo sa iyo lalo't may ganoong nangyayari sa iyo. Hindi ako mapapanatag Nat..." hinaplos niya ang aking pisngi at hindi pinakawalan ang aking mga titig. "Nat...."
"Yes, Miggy." Hindi ko alam pero pakiramdam ko lumulutang ako sa ulap habang nakikinig at naghihintay sa kaniyang sasabihin. Tila ba alam ko na kung ano ito. At alam ko na ikatutuwa ko ito.
"Can we try it again? Sa pagkakataong ito wala na akong ibang iisipan pa kung hindi ikaw. Wala na akong pakialam kung ano ang mangyari pagkatapos nito Nat. I want to keep and protect you. Kahit ano'ng mangyari. P'wede pa ba?" Maluha-luha siya habang hinahaplos ang kamay ko. Maging ako ay nanginginig ang mga kamay maging ang aking mga labi. Ito, ito iyon. Ito ang mga salita na nais kong marinig. Mga salitang matagal ko ng hinihintay. Wala akong ibang gustong mag-alaga sa akin kung hindi siya lamang.
"Ako na ang bahala sa lahat. Basta ipanatag mo ang loob mo at huwag kang matakot. Just live the way you want. Just smile whenever you're happy. Cry whenever you're sad. Magalit ka kapag naiinis ka. Katulad dati. Sa pagkakataong ito, sasamahan kita sa lahat ng iyon."
Parang may humaplos sa aking puso na puno ng takot at pag-aalala dahil sa mga nangyayari ngayon sa akin.
Ang bawat salitang iyon ay nagbigay ng lakas ng loob at kalma sa buong sistema ko.
Si Miggy ang nagsabi nito, kaya hindi na ako magdududa o magtatanong pa.
Nang umagos ang luha mula sa aking mga mata ay marahan niyang pinalis ang mga ito bago ako hinagkan sa aking noo.
"Mali ang naging desisyon ko na iwanan at pabayaan kita. I'm sorry for hurting you like that Nat. Hinding-hindi na ako lalayo sa iyo. So please, ipanatag mo na ang loob mo. Ayoko na nagkakaganito ka."
"Miguel..." nanginginig ang tinig ko na sambit sa kaniyang pangalan habang titig na titig ako sa kaniyang gwapong mukha sa kabila ng panlalabo ng aking paningin dahil sa mga luha sa aking mga mata.
