"Where's Miro? He said he'll come? Don't tell me he's gonna miss my birthday?"
Napahaplos ako sa aking batok nang itanong sa akin iyon ni Mom.
I don't know what to say.
"Tell Mom that I can't make it tonight. Maraming tao sa bar. Alam mo naman na hindi ko ito pwedeng iwan lang. You know what I mean. You're a businessman now. Send her my greeting. And tell her that I'll make it up to her, soon. Tell her that I love her so much. Kahit madalang lang akong magpakita. Darating ang ate Emma mo. Ikaw na ang bahala."
"Well, tumawag si Kuya sa akin kaninang umaga." Umiwas ako ng tingi dahil ayokong makita ang magiging reaksiyon niya. "He's pretty busy. Darating naman si Ate Emma-
"Sanay na ako." Iwinasiwas ni Mom ang isang kamay niya at umiwas din ng tingin sa akin. "From now on, hindi na ako aasa na makulumpleto pa ang pamilyang ito sa tuwing kaarawan ko."
"Mom..."
"How could you all do this to your Mom." May hinanakit niyang sabi atsaka naglakad papalayo sa akin.
Yeah. Totoo iyon.
Sa lahat ng selebrasiyon sa kaarawan niya, tanging ako lang ang hindi nawala. Si Dad ay minsan din hindi nakauwi dahil kasalukuyan itong nasa business trip noon. At dahil doon ay muntik pa silang magkahiwalay .
"Ganoon din ba siya magtampo kapag ako ang wala? Mukha naman kayong masaya sa mga pictures noong nakaraang birthday niya. Iyong tipong ako lang ang wala..."
I took a deep breath and tried to ignore him.
I don't wanna ruin our Mom's birthday.
It will stress her more.
"Nat is coming right?"
Lumingon ako sa kaniya ng blangko ang aking mukha.
"The hell you care."He shrugged and snickered. "Don't you think it's a bad idea that you invited her here? I mean, you know what I mean." Sabay tawa pa niya ng mahina. Pero halatang nang-aasar.
Hinarap ko siya at tinitigan ng diretso sa kaniyang mga mata. Ang mga mata na nakuha niya kay Mom.
Strong and confident.
"Wala akong pakialam sa sasabihin o ikokomento mo. Never na naging mahalaga ang sasabihin mo pagdating sa akin-
"The feeling is mutual, brother..." ngumisi pa siya at lumapit sa akin.
Nagtagisan kami ng tingin habang pareho kaming walang balak na bumitaw sa titigan namin na tila ba naghahamunan.
"Kung ako sa iyo, itigil mo na ang mga bagay na ginagawa mo na alam mong hindi mo kayang dalhin hanggang dulo." Nagkibit balikat siya sabay ngiti ng nakakaloko. "Ang ibig kong sabihin Miguel, si Nat. As long as I'm your brother. You cannot make her happy." Itinuro niya ako at kaniyang sarili. "Well, alam naman natin pareho ma hindi iyon mababago kahit wala tayong amor sa isa't isa. At tanggap ko na ako ang dahilan nito. At masaya ako dahil doon."
Ikinuyom ko ang mga kamao ko na may kasamang pagpipigil. Ayoko siyang patulan. Ayoko na masira ang gabi na ito...
"Sanay na ako. Na masaya ka kapag nakikita mo na nahihirapan ako. Na kahit mamatay pa ako sa harapan mo, wala kang gagawin." Lumapit ako ng bahagya pa sa kaniya at seryoso siyang tinitigan. "Sanay na ako na si Kuya Miro lang ang kapatid na mayroon ako. At matagal ko ng pinutol kung ano man ang ugnayan natin. Hindi lang kay Nat kung bakit ako naging ganito."
