9

10 2 0
                                    















Dahil sa may Harvey na, na pumasok sa buhay ko. May isa sa mga malapit na malapit ko naman na kaibigan ang dumitansiya sa akin. Alam ko naman na gagawin niya iyon dahil sinabi na niya ito sa akin. Hinayaan ko lang dahil alam ko na ito rin ang gusto ko. Ayokong mas lumalim pa ang mga bagay na alam kong hindi maaari.

Kaya nag-focus ako kay Harvey maging sa trabaho ko. Harvey is different from those men. Iyong mga naging nobyo at manliligaw ko.

Matiyaga at napakahaba ng pasensiya ni Harvey. Kahit na busy siya maging ako ay nagagawa pa rin niyang bigyan ako ng oras. Kahit madalas ay siya ang naghihintay.

Isa pa, sa tuwing kailangan ko siya ay palagi siyang dumarating para ipag-drive at samahan ako na kumain. Minsan ay break time na lang niya sa trabaho ay ilalaan pa niya sa akin.

Mas lalo akong humanga sa kaniya dahil doon.

Pero may mga pagkakataon na hindi talaga ako makatiis at nagse-send ako ng message sa kaniya. Magre-reply naman siya. Ganoon lang. Alam ko na hindi naman siya ganoon ka-busy. Alam ko na sinasadya niya lang magpaka-busy kunwari para maiwasan ako kahit papaano. And I understand him dahil ginagawa ko rin naman iyon kapag may nobya siya na alam kong okay naman. Binibigyan ko siya ng oras para doon.

Pero ang hirap.

Ngayon ay na kina Harvey ako dahil sa kaarawan niya ngayon. Nandito rin si Frances pero wala si Eli dahil may pinagkakaabalahan daw ito kasama ang Dad nito. Kaya kaming dalawa lang ni Frances ang magkasama ngayon.

Napangiti ako ng makita si Harvey. Simple lang ang party dahil si Harvey ay sadyang simpleng tao lamang. Maging ang kaniyang pamilya. Hindi kasing rangya ng buhay na mayroon sina Kuya Austin ang takbo ng buhay nina Harvey pero may masasabi rin naman sila sa estado ng buhay. Pero palaging makikitaan pa rin ng dedikasiyon sa trabaho sa kabila nito.

Kumaway siya sa amin ni Frances kaya kumaway din kami sa kaniya.

Lumutang ang kagwapuhan niya sa kaniyang suot. Matangkad din si Harvey pero masasabi ko na mas matangkad si Miggy sa kaniya.

Natawa ako sa aking naisip.

Bakit ba kailangan sumagi pa iyon sa aking isipan?

Nang makalapit siya ay napakalawak ng kaniyang ngiti  at napailing.

"You're stunning, Nat." Puri niya na ikinangiti ko pagkatapos ay kay Frances naman tumingin. "Kaya ka paboritong bantayan ni kuya Austin noon. Because you're really beautiful, Mam.."

Natawa pa si Frances sa kaniyang papuri.
"Call me Frances. Okay. Wala naman tayo sa trabaho. At isa pa, hindi muna ako ang makakasama mo sa Iremia. Kinausap na ni Eli si dad."

"So magpapahinga kana ulit?" Tanong ko sa kaniya.

Tumango siya sa akin. "Baka isumpa na ni Eli si dad. Araw-araw na nagrereklamo si Eli sa akin. Kaya hindi rin siya nakatiis at tinawagan si Dad."

"Kamusta naman ang dad mo at si Eli. " I asked while we're walking towards the table that Harvey reserved for us. Ipinaghila ako ng upuan ni Harvey atsaka inalalayan na maupo. Ganoon din kay Frances.

"Hmmm. Hindi ko alam. Basta ang alam ko, pinupuntahan siya minsan ni Eli. Hindi ko alam kung bakit. Pero ang kwento sa akin ni Fyodr ay nadatnan niya daw sa bahay sina Eli at Dad na umiinom?" She laughed and shook her head. "I really don't know what's happening."

"So how's Fyodr."

"Ow. May flight na siya next week. Ihahatid namin siya. Ngayon pa nga lang ay madalas na siya sa bahay. Si Eli ang madalas niyang kasama."

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon