24

13 1 0
                                    

Lee
Sa party na iyon lang ako nakaramdam ng ganoon ka-boring na selebrasiyon.

Blake
Wala ka lang sa mood kaya ganoon.

Miggy
Kung hindi ka sana nagpalit ng ayos mo bago pumunta doon, sana hindi ka nainip. Kasi magsasawa ka lang sa pang-aasar ko sa iyo. At least hindi ka aantukin dahil aasarin kita mula doon sa school hanggang sa pag-uwi.

Raven
HAHAHAHA. Oo nga.

Eli
Sana hindi rin ako nainip. At least, na-entertain mo pa ako.

Natawa ako mga sinabi nila kay Lee tungkol sa chat nito. Paano, wala siyang ginawa kanina kung hindi ang magmukmok, magreklamo at manlait sa lahat ng kaniyang nakikita. Napapailing na lang ako kapag nakakarinig ng mga salitang puno ng panunuya sa bawat mapansin niya.

"Hey, bakit hindi ka pa matulog? Akala ko ba may aasikasuhin ka bukas?"

Doon napalingon si Miggy sa akin na pangiti-ngiti habang nakasandal sa headboard ng kama ko at nakatutok kaniyang phone.

"Wait. I'll just message Lee. Aasarin ko lang bago siya matulog." Hindi niya nakatingin na sabi sa akin.

"Miguel. Late na ano ka ba." Suway ko sa kaniya sabay agaw ng phone na kaniyang hawak.

Napatingin siya sa akin tapos sa phone niya na hawak ko.

"Give it back." Tila nabitin pa siya sa pang-aasar kay Lee.

Nang subukan niyang agawin ito ay iniiwas ko ito.

"Let's sleep.." wika ko at ipapatong na sana sa side table ang phone niya nang makita ko kung sino ang nag-text. Kumunot ang noo ko sabay titig sa kaniya.

"What? Akin na kasi..."

Binasa ko ang mensaheng iyon sa harapan niya.

"Yeah. Nakauwi na. Goodnight." Tumaas ang isang kilay ko sa kaniya. "Raven." Muli ay tinignan ako ang iilan sa mga mensahe nila ni Raven sa isa't isa. At hindi ko inasahan na marami pala iyon. At madalas, siya pa ang unang nagme-message dito. Kaya pataas na nang pataas ang kilay ko. Nang tignan ko naman ang IG niya ay may palitan din sila nang mensahe doon ni Raven. "Huh. Kahit pala nasa ibang bansa siya ay panay ang pangangamusta mo sa kaniya? Hindi ka pa nakuntento? Tinatawagan mo pa?"

"Tss. Natural. She's our friend-

"Huh. Ang sweet mo naman na kaibigan." Putol ko sabay saksak ng phone sa kaniyang dibdib. "Iyan. Reply-an mo. Baka hindi ka makatulog kapag hindi ka nakapag-reply. O baka gusto mo pang tawagan? Sige lang."

"Don't tell me you're jealous?"

Hindi ako kumibo. Humiga ako patalikod sa kaniya at niyakap ang kumot sa tabi ko.

Nagseselos ako. Hindi ako sigurado kung bakit. Si Raven iyon, kaibigan namin. Pero hindi naman siya ganoon sa ibang mga kaibigan namin. Katulad kay Czai at Frances. What's with Raven?

Nang maramdaman ko ang paghiga niya at sunod nito ay ang pagdikit ng katawan niya sa likuran ko hanggang sa iyakap niya sa beywang ko ang kaniyang braso. I could feel his warm breath on my nape that gave shiver down my spine.

"Why don't you just go home and sleep there. Baka hanapin ka ng mom mo-

"Don't pretend that you don't want me here." He almost whispered and pulled me closer to him. "You can't fool me. Ramdam kita."

Hindi na ako nakakibo sa kaniyang sinabi at nang dahang-dahan niya akong iharap ay nagpatianod ako hanggang na magkaharap na kaming dalawa.

Our eyes met and our faces are just an inch away.

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon