Pagpasok ko ng elevator ay busy pa rin ako na nagta-type ng message ko kay Miggy. Ilang araw pagkatapos ng huling pagkikita namin sa kasal ni Gray ay naging mas madali sa amin na magkaroon na ulit ng komunikasiyon sa isa't isa kahit simpleng kamustahan lamang ay okay na sa akin. At least, alam ko na okay siya.
Miggy
Nasa isang cafe ako sa tabi ng site. You should try their coffee here. Isasama kita kapag may free time ako.Napangiti ako sa kaniyang pag-anyaya sa akin.
Miggy
Kung okay lang naman. At kung hindi ka busy.I smiled genuinely and replied.
Me
Yeah. Mas busy ka sa akin kaya ang schedule mo ang ayusin mo. Hirap mo na makasama ngayo, sabi nina Blake.Nakangiti ako na ibinulsa ang phone ko. Kakapasok ko lang nito sa bulsa ko nang mag-vibrate itong muli at sa kakamadali ko ay dumulas pa ito sa kamay. Napamura ako ng mahina nang mahulog ito sa sahig.
Akmang pupulutin ko ito nang may nauna sa akin na gumawa nito.
Nag-angat ako ng tingin para magpasalamat at kuhanin ang phone ko.
"Mukhang excited ka na mabasa ang nag-message sa iyo. Mukhang maganda ang araw mo ngayon at hindi nakakunot ang noo mo."
Umiwas ako ng tingin at mabilis na inagaw ang phone ko mula sa kaniya.
"Kamusta ka?"
Hindi pa rin ako kumibo.
"Natalie, puwede ba tayong mag-usap?"
Napalingon ako sa kaniya at doon ko nakita ang kaniyang mukha nang mas matagal.
Tila ba may pagod at hirap kang maaaninag sa ekspresiyon ng kaniyang mukha ngayon.
Ang mga namumungay niyang mga mata ay nagbibigay ng bigat sa aking dibdib.
Nang humakbang siya papalapit sa akin ay hindi ako nakakilos na tila ba namagneto ako sa titig niyang iyon.
Napatitig ako ng husto sa kaniya nang makalapit siya ng husto sa akin.
"Can we talk? Kahit sandali lang?"
Napaatras ako nang humakbang pa siya papalapit sa akin hanggang sa mapasandal ako sa sulok ng elevator.
"W-Why? Why are you here? Bakit mo ako pilit ginugulo ng ganito? Wala kang makukuha sa akin-
"I just wanna see you. Talk to you. Iyon lang." He cut my words and was about to touch my face when I heard some voices. I looked away eventually and swallowed. Nang magsipasok ang ilang empleyado ng kumpanya ay binati nila ako isa-isa pero may ibang dating ang titig nila sa akin dahil siguro sa nadatnan nila kanina.
Bumukaa ulit ang elevator sa isang floor pa at halos mapuno na ito. Sumiksik sa harapan ko si Miko at iniharang katawan sa akin..
Napaangat ako ng tingin sa kaniyang likuran. Damn. He's height is no joke. Mas matangkad siya kay Miggy at ang awra na nagmumula sa kaniya ay sadyang kakaiba.
Gusto ko sanang sitahin ang mga empleyado na isiniksik ang sarili sa loob pero hindi ako makakilos ng maayos dahil didikit na ako kay Miko.
Kaya nanatili ako na tahimik. Alam ko na naghahabol ng oras ang mga empleyeda dahil ayaw na ayaw ng Dad ko ang palaging late at naghahabol sa trabaho. Kaya ganoon din ang bawat humahawal sa bawat departamento ng building na ito.
Nakita ko pa ang mga babaeng empleyado na sumusulypa kay Miko.
Natural na magkandarapa sila sa kaniya. Kung gwapo si Miggy, natural lang na gwapo rin ang lalakeng ito.
