36

19 2 0
                                        

Akala ko hindi na ako hihinto sa pag-iyak gabi-gabi. Akala ko hindi na ako mapapagod sa kakaisip kung bakit ganoon ang kailangan mangyari sa una kong pag-ibig. Pakiramdam ko noong una pagkatapos ng opisiyal na hiwalayan namin ni Miggy pagkatapos ng kaarawan ng kambal ay iyon na ang katapusan ng lahat sa akin. Sa puso ko na tila ba dinurog na pino.

Akala ko hindi ba ako makakabawi sa aking sarili.

Noong una ay halos si Miggy ang nakikita ko kahit nakapikit ako. Hindi mawala sa isipan ko ang lahat ng katotohanan na wala na kami. Na hanggang doon lang kami. Na ganoon lang naging kadali ang lahat na pareho kaming bumitaw.

Ang totoo , alam ko sa aking sarili na pareho kaming walang ginawa sa relasiyon na pinasukan namin.

Kaya hindi ko magawang magalit sa kaniya.

Pareho kami na bumitaw at hindi kumapit sa isa't isa para mas lalo pang magkaintindihan.

Hindi kami ganoon katibay.

Ang nararamdaman ba namin para sa isa't isa ay hindi ganoon kalalim?

Kaya ganoon na lang kami nagdesisyon ng ganoon?

Siguro nga, ganoon iyon.

Dahil sa pinutol ko ang pagkakaibigan na mayroon kami noon at ipinilit ito lahat. Ako ang tumapos sa pagkakaibigan namin dahil naghangad ako ng mas higit pa doon...

Pero habang lumilipas ang mga araw ay natututo ako na ibaling sa ibang mga bagay ang lungkot at iyak ko.

Ayoko na mag-alala ang mga magulang ko kaya pinilit ko na magpatuloy at makalimot sa sakit na aking nararamdaman.

Naging madalas si Miggy sa itinatayo niyang bagong branch ng shop niya at ako naman ay busy na sa trabaho. Kaya ni hindi talaga kami nagkikita. Sa tuwing may lakad kaming magkakaibigan madalas at wala siya minsan naman ay ako. Siguro nga ay tama si Drew. Ginagawa namin ang lahat para magkaiwasan. Ginagawa namin ang lahat para hindi magkita.




Katulad na lang ngayon na nasa bahay kami nina Eli at Frances. Ang bagong bahay na irinegalo ni Eli kay Frances pagkatapos ng kaarawan ng kambal. Ito iyong matagal na pinag-uusapan nila ni Miggy noon.

Nasa living room kami at nakakandong sa akin si Elisha na hindi pa makalakad. Kaya panay ang hanap ng taong kakandong sa kaniya. At dahil nagsawa na si Lee sa kakakarga sa kaniya, sa akin naman siya dumikit. Si Lee ay nakabantay sa naglalakad na na si Elijah. Naglakad si Elijah pagkatapos ng kaarawan nila ilang araw ang lumipas. Kaya tuwang-tuwa si Frances nang ibalita ito sa amin. Maging si Eli ay napapangisi na tila nagyayabang nang sabihin iyon ni Frances sa amin.

"Hindi ba pupunta si Miggy?" Iyon ang itinanong ni Frances nang mailapag sa mesa ang dalang wine. Si Eli naman ang naglapag ng mga wine glass sa mesa.

"He said he's busy. Gusto niyang pumunta pero nandoon ata ang Dad niya kaya hindi makaalis. Alam mo na, kailangan ipakita niya sa Dad niya na okay ang business na mayroon siya. Na hindi siya nagsisisi na iniwan ang kumpanya para dito." Blake answered and took one of the glasses.

"Their company is doing great. Balita ko kay Dad lumakas lalo ito nang hawakan ni Miko. Well, hindi maikakaila na magaling si Miko sa paghawak ng business nila ngayon. But still, he's an asshole." Singit naman ni Lee at sumulyap sa akin. "At mas magaling pa rin ako sa kaniya pagdating sa usapang business."

Napaiwas ako ng tingin dahil alam ko ang ibig niyang sabihin.

Muli niyang tinignan si Elijah na humahakbang papalapit sa ama nito na si Eli.

"Yeah. He's an asshole. Hindi lang tayo pwedeng magsalita dahil kapatid siya ni Miggy." Sang-ayon ni Blake.

"Really?" Pagak na sambit ni Eli. "Kaya pala kayong lahat ay sinabihan na ako kung gaano kapangit ang ugali ko-"

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon