23

18 2 0
                                    













"Assholes!"

Tawanan kami nina Blake at Damon nang makitang pumasok si Lee sa loob ng kwarto ni Blake. Maging ang reaksiyon niya nang makita kami ay labis namin ikinatuwa. Si Eli man ay tumalikod para siguro pigilan ang pagtawa ng mahina nang makita ito.

"Sira-ulo ka Miguel!" He shouted on me as he walked towards Blake's closet. Doon siya mura nang mura habang naghahanap ng maipapalit sa suot niya.

"Dahan-dahan Dude! Masisira mga damit ko riyan!" Paalala ni Blake na tumatawa pa.

"Ano ang nasa sulok ng mga labi mo? Dugo?" Pang-aasar ko pa sabay tawanan namin lahat. Napailing si Eli habang nakangisi dahil na rin sa ayos ni Lee kaninang pumasok siya.

"Gago ka Miguel! Iba ang sinabi mo sa akin sa sinabi mo sa kanila!" Singhal niya at sumilip pa sa amin kaya natawa kaming muli.

"Costume party ba ang theme na nasabi ko?" Pigil ang pagtawa ko na tanong sa kaniya kaya binato niya ako ng hawak niyang trouser mula sa closet ni Blake.

"You son of a bitch!" He cursed while gritting his teeth. Gigil na gigil siya sa akin.

"Sorry na! One thousand times!" Humalakhak ako sabay tago sa likod ni Eli nang makita siyang susugod sa akin.

"Tss. Malulukot ang suot ko!" Iwas sa akin ni Eli kaya nahawakan ako sa kwelyo ni Lee.

"Ano ba! Bitaw! Ang suot ko!" Suway ko sa kaniya pero muling natawa nang makita ulit ang fake na dugo sa sulok ng mga labi niya.

Hinila na nina Blake at Damon si Lee papalayo sa akin na kaunti na lang ay sasapakin na talaga ako.

Inakbayan ni Blake si Lee kahit natatawa ay iginaya papasok sa walk-in-closet at doon ito tinulungan.

Naiwan naman kaming panay pa rin ang pang-aasar kay Lee habang nandoon sila sa loob.

"Ayos ba?" Nakangisi ko na tanong kay Eli.

Ngumisi si Eli at nakipag high-five pa sa akin.

"May nagawa ka rin na ikinatuwa ko."

"Naniwala talaga siya sa iyo? Kung ikaw ang magme-message sa akin ng ganoon hindi kaagad ako maniniwala." Singit ni Damon sa amin. "Reunion iyon dude."

"Parang hindi mo siya kilala. Mukhang na-excite nang sabihan natin na sumama na. Kaya siguro hindi na nag-atubiling bumili ng maisusuot para sa party. Gusto na naman magyabang niya." Hindi ko pa rin mapigilan ang pagtawa ko sa nangyari. Naisip ko na na kakagat talaga si Lee sa prank ko.

Hinila ko sina Eli at Damon papasok sa closet. At eksakto na hindi pa nakakapagpalit si Lee.

"Damn. Kailangan natin siyang makuhanan ng picture." Bulong ko.

Lumapit ako kay Lee at mukhang naramdaman ni Blake ang aking gagawin kaya naman hinawakan niya sa braso si Lee maging si Damon ay ganoon din ang ginawa.

Hinila ko si Eli at pinatayo sa tabi ni Damon.

"Gago kayo!" Mura sa amin ni Lee pero wala siyang nagawa nang kuhanan ko na sila ng larawan. Pagkatapos ay nag-selfie pa ako kasama sila.

"I'll kill you Miguel!" Lee shouted but I didn't care at all. Ang importante, mai-post ko ito sa IG ko!

Napangiti ako nang makita ang larawan namin. Lalo na nang makita ang ngisi ni Eli sa larawan na tila ba natutuwa sa ginawa namin kay Lee. Well, naka-thumbs up pa ang loko. Samantalang nakasimangot sa larawan si Lee na tila ba nais kumawala sa dalawa.

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon