Isang nanunuyang titig ang ibinigay sa akin ni Eli nang dumaan ako sa gilid niya. Kagigising ko lang nang malaman ko na wala na sa tabi ko si Miggy. At ito ang nadatnan ko. Nakaupo sila pareho magkaharap sa mesa habang kumakain ng almusal.
Kahit papaano ay marunong magluto si Miggy at hindi ko matanggap na isa si Eli sa mga ipinagluluto niya maliban sa akin.
"Tinitingin-tingin mo?" Irap ko na tanong at dumiretso kay Miggy. Hinawakan ko siya sa balikat at akmang hahalikan siya sa labi pero natigilan ako nang maisip na nandito si Eli. Nakaramdam ako bigla ng kaunting hiya. "Good morning." Pa-simpleng bati ko sa kaniya. Nginitian niya ako ng napakatamis. What a way to start my day... Pero mas maganda kung kaming dalawa lang sana. Lalayo na sana ako pero hinawakan niya ako sa beywang at siya mismo ang humalik sa aking mga labi.
"Morning." Malambing niyang bulong na ikinainit ng mukha ko nang mapahinto si Eli sa paghigop ng kape bago umiwas ng tingin na tila ba nadidiri sa kaniyang nakita.
Tumaas ang kilay ko at pinameywangan ito. "Instead of having a breakfast here with my boyfriend, why don't you just go home and talk to Frances? I couldn't believe it. Natitiis mo siya ng ganiyan."
Marahas itong tumingin sa akin at akmang magsasalita pero huminga siya ng malalim bago umiwas ulit ng tingin.
"Mind you own business." Anito na ikinailing ko.
"Sige na. Okay lang sila. Huwag ka ng mag-alala." Suway sa akin ni Miggy at pilit akong dinadala sa sink. Siya mismo ang kumuha ng toothbrush ko at naglagay ng toothpaste doon.
"Tss. Nag-message ako kay Frances-
"You told her that I'm here?" Kunot ang noo na putol nito sa aking sasabihin.
Tumingin ako kay Miggy at ipinararating sa kaniya na pigilan ako at baka hindi ko matantiya ang kaibigan niya. Okay, kaibigan namin sige.
"Now your, dead." Napatingin ako kay Eli nang tumayo at nagulat ako nang si Miggy ang kwelyuhan nito.
"Hey bakit ako?" Natatawang suway ni Miggy pero ayaw siyang pakawalan ni Eli kaya umawat na ako.
"You can't even tame your girlfriend." Nakaismid na sabi nito kay Miggy.
Natawa ako at pinameywangan ulit ito. "Eli Alcaraz. Nag-message ako kay Frances para kamustahin siya. Mukha kasing wala kang balak na tawagan man lang siya. Ang reply niya?" Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko atsaka ipinakita kay Eli iyon.
A sad emoji.
And then, crying emoji.
Nakita ko kung paano nagkaroon lalo ng pag-aalala sa mukha nito.
"If I'm your wife? My God. Sorry. Pero iiwanan talaga kita. Tss." Inis ko na inagaw ang toothbrush ko kay Miggy at naiiling na nag-toothbrush sa sink.
Sa isip ko ay minumura ko na talaga si Eli. Paano niya nagawang hindi uwian si Frances? My poor friend. Inis ko na hinarap si Eli na umupong muli at tila ba napakalalim ng iniisip.
"Haist. What a jerk." Bulong ko at nagpatuloy sa pagtu-toothbrush.
Hinimas ni Miggy ang balikat ko pero pinalis ko iyon. Naiinis din ako sa kaniya. Ni hindi man lang niya kayang pagsabihan ang kaibigan.
"Hey. Bakit pati sa akin-
"Tss. Masyado mo siyang kinukunsinti sa lahat. Kaya lumalaki ang ulo." Gigil ko na sermon sa kaniya .
"Ano'ng tingin mo sa akin? Bata?" Singit ni Eli kaya mas lalo akong nag-init.
Sumulyap ako sa kaniya sabay iling.
"Mas malala ka pa."
![](https://img.wattpad.com/cover/279860180-288-k672031.jpg)