Kahit magkakasama kami ay hindi maitatago na tahimik si Drew kahit panay ang pagpapasaya ni Blake dito.
Ramdam namin iyon at pilit namin na intindihin ang lahat.
Lalo na kami ni Miggy. Alam namin na kailangan nila kami kaya kailangan namin isantabi muna ang sa amin.
May pagkakataon na naaawa ako kay Blake dahil sa madalas itong ignorahin ni Drew.
Kapag ganoon ay naiiyak talaga ako.
Pero sinasabihan ako ni Miggy na hindi dapat ako magpakita ng ganoon kay Drew at Blake.
Kaya kapag may pagkakataon ay nagtatago ako at umiiyak kay Miggy.
Tahimik lamang si Miggy at hinahayaan ako.
"Ganoon din ako." buntong-hininga na pagtatapat ni Frances. "Umiiyak talaga ako kay Eli. Tatahimik lang si Eli at sasabihin na maayos din lahat. Pero hindi ko talaga mapigilan na maging emosiyonal para sa kanila.."
"Hindi ko maisip man lang kung gaano ito kahirap din kay Blake.." mahinang sabi ni Czai at tumitig kay Blake na nasa tabi ni Drew at hawak ang kamay nito.
Hindi man lang ito tinitignan ni Drew.
Kahit hindi kumikibo si Drew alam namin na may hinanakit ito na nais sabihin pero hindi nito magawa.
"Babe let's sleep." tawag ni Eli kay Frances kaya tumayo na rin ito.
Maging si Czai ay tumayo na rin at nagpaalam para puntahan si Damon.
Si Miggy ay hinawakan ako sa kamay at inakay na rin sa kwarto.
Pagkasara ng pintuan ay napasandal ako sa pader nang ilapat niya sa magkabila kong gilid ang mga palad niya at tumitig sa akin ng maigi.
"What?" natatawa ko na tanong.
"Mom messaged me.." he licked his bottom lip and gulped. "She wants to see us.."
"Tingin mo ba ay magiging maayos na ang lahat pagkatapos nito?"
Tumango siya at ngumiti.
"Kuya Miro called me. Kinausap daw ni Miko si Mom. At sinabi niya rin na kalmado na si Mom kaya okay lang na makipagkita na tayo sa kaniya."
Parang kahit papaano ay nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko.
Hangga't hindi ko nakakausap ang Mom niya ay hindi gagaan ng buo ang puso ko.
Kaya nagpapasalamat ako na makakausap namin ito ng maayos.
Hindi kami nag-aksaya ng panahon ni Miggy dahil pagkatapos namin sa bakasyon kasama ang iba ay nag-desisyon na kami na makipagkita sa Mom
niya. Ang totoot ay mas naunang umuwi si Lee, tumakas daw ito ang sabi ni Damon sa amin. Sinamantala na lasing kami nang gabing iyon."Sa bahay na tayo dumiretso." anunsiyo ni Miggy habang hawak ang cake na binili namin kanina.
Nasa isang flower shop kami ngayon at naghahanap ng maibibigay sa Mom niya.
"Yeah." nakangiti ko na sang-ayon kahit kinakabahan ako.
Miggy smiled at me and touched my cheek.
"Don't be scared. I'm here.." pagpapalakas niya ng loob ko.Tumango ako sa kaniya at napatingin sa mga kababaihan na papalapit sa amin.
Bahagya akong lumayo sa kaniya at sinenyasan siya.
"Why?" nalilito niya na tanong.
"Miggy?"
Napalingon siya sa mga kababaihan na hindi alam kung sino ang lalapit kay Miggy dahil nagtutulakan ang mga ito.
