Tatakbo na sana ako papalapit kay Miggy para salubungin siya ng yakap pero napalitan ng paglakad ng mabagal ang pagtakbo ko nang makita si Raven na lumapit sa kaniya kasama si Ruass. Nasa club kami ngayon at dito nagpasyang magkita para sana sa date namin ngayon.
Habang papalapit ako sa kaniya ay napapangiti lamang ako dahil sa taglay niyang kagwapuhan at lakas ng dating kahit nakatayo lang siya doon sa harapan nina Raven at nagkukuwentuhan.
Pinagsalikop ang aking mga palad sa aking likuran habang papalapit sa kanila at sa kaniya lang nakapako ang aking mga mata.
Natigilan ako nang makitang hinawakan niya ang ulo ni Raven at hinimas-himas pa iyon. Mabilis naman inialis iyon ni Ruass maging si Raven.
Then he laughed while looking at Raven's face. Nakasimangot si Raven na hinila ni Ruass papalayo sa kaniya.
Nang mapalingon siya sa akin ay doon pa lang niya ako napansin at kumaway sa akin.
Ngumiti lang ako at hinarap sina Raven nang makalapit ako.
"May lakad kayo?" Tanong ni Raven sa akin.
Sa unang pagkakataon ay malamig na 'Oo' ang naisagot ko sa kaniya na hindi naman nito napansin dahil ngumiti siya sa akin.
"Let's go." Aya ko kay Miggy at nagpatiuna na nang umalis pagkatapos kong batiin si Ruass.
Nakailang hakbang pa lang ako ay may tumunog na ang phone ko.
Raven
Cold.Paglingon ko sa kanila ay si Miggy na ang nakasalubong ko at muntik na kaming magkabanggaan.
"Cold."
He whispered near my face. At dahil doon ay naamoy ko ng husto ang pamilyar niyang amoy dahil sa pagkakalapit namin.
"I'm not." Tanggi ko pero ipinaparamdam ko talaga ang lamig ng tinig ko. Ayoko iyong nakita ko kanina.
"Really?" Duda niya.
Tumango ako.
Nagpatiuna ako sa kaniya kung saan naka-park ang kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at tahimik akong pumasok doon. Nang pumasok siya ay nagpaka-busy ako sa kunwari ay pagtitig sa phone ko.
Habang tinatahak namin papalabas ng club ay nararamdaman ko ang pagsulyap niya sa akin pero nagpipigil ako na lingunin siya.
Naiinis ako.
Kay Raven ng hindi ko malaman.
Naramdaman ko na lang na huminto kami bigla kaya doon ako napatitig sa kaniya.
Nakahawak ang isang kamay niya sa manibela habang nakatitig siya sa akin na tila ba pinag-aaralan ang aking ekspresiyon.
"Ang saya mo pa kanina sa phone bago ka umalis ng Amalie. Ano'ng nangyari?"
"Ano?" Pagmamaang-maangan ko.
"Ang haba ng nguso mo-
"Shut-up." Putol ko sabay irap at titig sa phone ko.
"Talk to me Nat. What is it? May nagawa ba ako?"
"Wala. Just drive. Para matapos na ang araw na ito."
"Hey. Ano nga? May nagawa ba ako na hindi mo nagustuhan? Come on."
"Wala nga...."
"Ayoko na umalis na ganito ka. Hindi rin tayo mag-e-enjoy-
Hindi ko siya pinatapos sa kaniyang sasabihin nang hawakan ko ang kamay niya at inilapat sa ulo ko.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at alam ko na nasa mukha ko ang hiya. Mainit na mainit ang mukha ko at sobrang nakakahiya ito pero....
![](https://img.wattpad.com/cover/279860180-288-k672031.jpg)