4

15 2 0
                                        

"Hindi ako pinayagan ni Dad."

Iyon ang isinagot ko kay Frances nang itanong sa akin kung nakahanda na ba ang mga gamit ko para sa susunod na araw na lakad namin.

Napatingin ako kay Miggy na eksaktong nakatitig din sa akin.

"Bigla ka atang hindi pinayagan?" Aniya.

Ang totoo. Sa tuwing may lakad ako hindi naman pinakikialaman ni Dad. Si Kuya. Siya ang madalas na nangungumbinsi kay Dad na huwag akong pasamahin kung masama si Miggy. At nakakainis si Kuya sa ganoong ginagawa niya kapag nasa usapan si Miggy. Samantalang kaibigan niya ang isa sa mga kapatid nito.

Kaya lahat ng lakad ko kasama sina Miggy, matindi ang pagpapaalam na ginagawa ko mapapayag lang sila. Minsan, takas lang kaya sumasabay lang ako kay Miggy. At hindi nila alam ang tungkol doon nina Miggy. Ang alam nila, ay palagi akomg pinapayagan nina Dad at Mom.

Hindi ako close sa pamilya niya. Well maging siya sa pamilya ko. Dahil pareho siguro kaming umiiwas. Kaya maging ang pamilya namin sa graduation lang namin noon sila nagkikita pero hindi naman nag-uusap. Madalang lang din naman akong pumunta sa kanila basta kasama ang barkada. Ganoon din siya sa amin.

"Nakakalungkot naman kung hindi ka sasama." Nasa tinig ni Czai ang lungkot.

"Kailangan ka ba namin na ipagpaalam?" Tanong naman ni Drew.

"Wala rin magagawa iyon. Nag-decide na si Dad. This time, hindi talaga ako makakasama." Tugon ko na may pagkadismaya.

"Are you a kid? Huh. Isip bata ka lang, pero matanda kana-

"Kung wala kang sasabihin na ikatutuwa ko Lee, manahimik la na lang. You're getting into my nerves. Really." Putol ko atsaka ito inirapan.

"Bakit naman ako magsasabi ng mga bagay na ikitutuwa mo? Girlfriend ba kita?" Nakangising sagot niya sa akin kaya mas lalo akong napipikon.

"Kahit siguro nobya mo, hindi mapipigilan ang bibig mo sa kakasabi ng mga nakakapikon na salita-

"Hindi talaga. At masaya ako na napipikon ka." Ngumisi pa siya lalo kaya pakiramdam ko ay namula na ako sa inis sa kaniya. Ang taong ito, wala talagang pakialam kung ano ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Nuknukan ng yabang, arogante at sama ng ugali.

"Hey. Tama na iyan." Awat ni Blake at pilit tinatakpan ang bibig ni Drew na mukhang gustong may sabihin kay Lee na ngingisi-ngisi pa.

"So hindi ka nga makakasama?" Seryosong tanong ni Miggy sa akin.

"Hindi muna siguro. Ayaw ni Dad eh. Marami daw gagawin si Mommy at kailangan ako doon. Sorry guys." Nakalabi ko na sabi sa kanila.

"Mas okay sana kung kasama ka." Nakalabi rin na sabi ni Drew sa akin.

"Yeah. Baka pwede pa ba makausap ang dad mo." Sang-ayon ni Frances.

Ngumiti ako atsaka umiling. "Sa susunod na lang siguro."

"So sa mga sasama, ano ang mga dadalhin natin." Bigla ay singit ni Miggy sa usapan.

Napatitig lang ako sa kaniya habang nag-uusap sila. Habang nagsasalita siya ay nakangiti naman siya pero hindi niya ako dinadaanan man lang ng tingin niya. Nadismaya siya. Alam ko iyon. Sa tuwing hindi ako nakakasama ay mukha naman na okay sa kaniya pero panay ang pamimilit niya sa akin na sumama ako. Pero ito ang unang pagkakataon na pakiramdam ko ay talagang dismayado siya.

Hanggang sa matapos ang usapan nila na ni hindi man lang niya ako kinausap. Kahit man lang sana pilitin ako na magpaalam. At sa mga plano na sinasabi niya, hindi na ako kasama.

Panay ang sulyap sa akin ni Drew sa akin siguro ay dahil ramdam niya ang nangyayari sa akin. Sa amin. Pero hindi siya kumibo. Sila nina Frances at Czai ang madalas mamilit sa akin subukan ko pa na magpaalam.

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon