21

15 2 0
                                    


















Papasok na sana ako sa kotse para makauwi na dahil sa gusto ko munang magpahinga ng maaga nang may humawak sa aking kamay at pigilan ako.

Paglingon ko ay kaagad lumiwanag ang ngiti ko sa kabila ng pagod ma nararamdaman ko ngayong araw na ito.

Si Miggy.

"Hi.." nakangiti niyang bati sa akin na nagbigay ng sigla sa aking puso.

"H-Hi..." nautal ko pa na bati dahil sa kaba ko ngayon. Ibang-iba ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko hinahawakan niya ako ngayon. Dahil siguro alam ko na iba na ang label ng relasiyon na mayroon kami. Medyo awkward palagi kapag kasama ko o kausap ko siya. Palaging magkahalong kaba at galak ang nasa puso ko. Dahil doon ay madalas akong lutang at hindi alam kung paano magre-react sa ganitong kilig na naidudulot niya sa akin.

Hindi pa naman ako masyadong matanda para kiligin hindi ba?

Tama lang ito?

At isa pa, siya lang ang nakakapagpadama sa akin ng samu't saring emosiyon sa aking damdamin.

"Maaga pa. Uuwi ka na?" Tanong niya sa akin na hindi iniaalis ang titig sa aking mukha na tila ba masusi niyang pinag-aaralan. "Hindi ka nag-message sa akin o tumawag. Kaya nag-decide na ako na puntahan ka."

Tumikhim ako sabay iwas ng tingin. Hindi ko makayanan ang mga titig niya lalo na ngayon.

"Medyo busy kanina. I'm sorry-

"I'm your boyfriend now. Remember?"

"Hah?" Gulat ko na sambit dahil sa katotohanang iyon.

"Ano'ng hah?" Kunot-noo niyang balik sa akin.

"I-I mean... Yeah!" I bit my lower lip and sighed. Hindi ko alam kung paano ba ako kikilos o magre-react sa lahat. Kailangan ko pa talagang mag-adjust. Nakakainis dahil ito ang gusto ko pero hindi ko alam kung paano ito iha-handle.

Napaamang ako nang hilahin niya ako papalapit sa kaniya hanggang sa lumapat ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Napapikit ako sa kaniyang napakabangong amoy na hindi ko talaga pagsasawaan.

Nang maramdaman ko ang paghaplos niya sa aking buhok ay unti-unti niyang napapakalma ang aking puso...

"Hey. Hindi ka ba komportable? Ayaw mo ba ng makulit na boyfriend? O pakialamerong boyfriend?"

Nagmulat ako at nag-angat ng tingin.

Nagtagpo kaagad ang mga titig namin habang siya ay nakangiti, ako naman ay nakalabi.

"Hindi ka ba nahihirapan na mag-adjust sa kung ano man ang relasiyon na mayroon tayo noon sa relasiyon natin ngayon?" Tapat ko na tanong sa kaniya.

"Iyong totoo?" He asked.

Tumango ako at nanatiling nakatitig sa kaniya.

Napahaplos siya sa kaniyang batok sabay tawa ng mahina.
"Ang totoo, kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung bakit, pero sa tuwing nakikita kita ngayon at kinakausap may kaba sa dibdib ko." Muli ay tumawa siya sabay iling. "Pero dahil gusto kong magmukhang cool sa paningin mo, nilalakasan ko ang loob ko."

"You're blushing..." hindi ko mapigilan na mapangiti sa aking nakita. "Are you shy-

"Damn. Of course not." Depensa niya sabay takip sa kaniyang mukha gamit ang isang palad.

I laughed and held his wrist. Inialis ko ang pagkakatakip niya sa kaniyang mukha para makita ko ang kagwapuhan niyang taglay.

"I just want you to feel comfortable when we're together. Katulad lang dati. Ang nag-iba lang naman ay iyong label ng relasiyon na mayroon tayo. Pero tayo pa rin naman ito. Hindi ba? Ako, ikaw na may pagpapahalaga sa isa't isa."

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon