47

19 0 0
                                    





"Sir may naghahanap sa iyo sa labas."

Napasulyap ako kay Tin na tumawag sa akin habang nasa loob ako ng opisina ko.

"Sino?" Tanong ko at inalis ang aking eyeglasses. Isinara ko ang laptop ko bago tumayo.

She grinned at me. "Katabing bahay."

Napatango lamang ako at nakuha ang ibig niyang sabihin.

"Paaalisin ko ba?" Muli ay tanong niya.

"No. Nakakahiya naman kung paaalisin mo." Wika ko atsaka na humakbang patungo sa pintuan.

"Akala ko kasi wala kang gustong makita ngayon. Sabi mo kasi kanina Sir, gusto mo na mapag-isa." Nakangisi pa rin niya na sabi habang naglalakad kami papalabas.

"Tss. Sino ba ang magkakagana kung makakarinig ka ng mga bagay na ipinipilit sa iyo." Natatawa ko pa na sagot.

"Si madam Rachelle ba iyan?"

Tumango ako.

At napalis ang ngiti ko sa aking mga labi.

Pagkatapos ng nangyari sa amin ni....

"Tss. Damn."

Pinigil ko na ituloy pa kung ano man ang nais sabihin ng aking isipan. I'm trying. Trying so hard ever since she left.

"Hindi ba nagsasawa na maghanap ng ka-blind date si Madam para sa iyo?" Biro pa ni Tin na aking sekretarya.

"Pinipilit pa niya ako na bumalik sa dating ako. I mean, mas gusto niya na magpakasasa ako sa mga babae ngayon."

"Nag-aalala lang siguro sa iyo Sir." Naiiling din niya na sabi 'tsaka ininguso ang babaeng nakaupo malapit sa entrance.

Nang magtama ang mga paningin namin ay kumaway siya sa akin ng may ngiti sa mga labi.

"Do I need to cancel your meeting today?" Nanunudyong tanong ni Tin sa akin.

"Baliw. You don't have to. Mabilis lang ito. Baka may ikukuwento lang." I answered quickly and walked towards Irene.

Yes. Irene.

Isa sa mga taong nagsilbing suporta sa akin noong panahon na sariwang-sariwa pa ang sakit na idinulot sa akin ng mga nangyari sa pagitan namin ni Nat.

Siya ang palaging nasa tabi ko noon sa tuwing nandito ako at nawawala sa aking sarili.

Hindi niya ako pinabayaan kahit tinapat ko siya na wala siyang makukuha sa akin.

I was rude for telling her about it. But still, she stayed.

I'm not ready to open my heart again to someone.

Hindi ko alam pero kahit tatlong buwan na ang lumipas ay hindi ko pa rin kaya.

Siguro natatakot ako.

Dahil unang beses ako na nakaramdam ng ganoong kasakit na pakiramdam kaya ayoko na muna.

Damn. It's just so nice to be in love, but it's so painful as well.

"Kailan ang uwi mo?" Tanong sa akin ni Irene pagkatapos kagatin ang burger na kaniyang hawak.

Huminga ako ng malalim atsaka tumawa ng mahina.

"Baka sa club ako dumiretso. I don't wanna fight with Mom. She keeps on telling me what to do. Mas lumala siya ngayon. Nakakabaliw ang pangungulit niya." Kwento ko at sumimsim sa soda na nasa harapan ko.

She laughed at me and shrugged.
"Ganoon talaga siguro dahil mga ina sila. Ramdam kita."

Napakunot ang noo ko at napatitig sa kaniya.
"Is she forcing you to go on a blind date too?"

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon