45

12 0 0
                                    

"Let my son go Natalie. Please. Nakita mo naman siguro ang nangyari sa kaniya. Ano ang susunod pagkatapos nito? Baka mas malala pa dito ang mangyari at ayoko na mapunta pa doon Natalie. If you really care about my son. Please, let him go."

Mabilis ko na pinunasan ang aking mga luha dahil sa mga bagay na sinabi sa akin ng Mom ni Miggy nang magkasalubong kami sa ospital. Pupuntahan ko sana si Miggy pero hindi man lang ako nakapasok dahil sa mga sinabi niya.

At ni titigan ay hindi ko magawa sa mga magulang niya dahil sa hiya.

Wala akong nagawa kung hindi umiyak lamang sa harapan nila.

At ang mas malala pa, kasama ko si Natasha. And she heard everything.

Nakadapa ako sa kama habang umiiyak dahil ilang araw na rin ang lumipas pagkatapos nang nangyari.

Hindi rin ako lumalabas ng kwarto at hindi man lang ginagalaw ang pagkain ko na inihahatid sa kwarto ko.

Nawalan ako ng gana sa lahat.

Tinitiis ko na huwag tawagan si Miggy dahil sa mga sinabi sa akin ng Mom niya.

Alam ko na ako ang sinisisi ng lahat sa nangyari kay Miggy.

At totoo naman iyon.

Kasalanan ko ang lahat.

Kahit sa mga kaibigan namin ay wala akong mukhang maihaharap ngayon.

Hiyang-hiya ako sa lahat.

Hindi ko alam kung paano ko ito haharapin.

Hindi ko alam....

May mga mensahe sa akin si Miggy pero pinili ko na huwag buksan iyon.

Ayoko na ma-miss siya lalo at baka hindi ako makapagpigil....

"Are you going to kill yourself? Ilang araw ka na rin hindi kumakain."

Tinig iyon ni Kuya Nathan pero hindi ako kumibo. Hanggang sa maramdaman ko na may umupo sa paanan ng kama ko.

"Nag-aalala na sina Mom at Dad sa iyo."

"Buhay pa naman ako." Tugon ko.

"Tss. Will you stop acting like that." Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Hindi ba puwedeng sina Mom at Dad muna ang isipin mo ngayon? Buong buhay mo Nat ginagawa mo lang kung ano ang gusto mo. Hindi ka nagpapa-kontrol sa kanila. Kahit sabihin natin na sinusunod mo ang gusto nila, mas marami ka pa rin ginagawa na ayaw nila. Hindi ba puwedeng pagbigyan mo sila ngayon?"

"Dahil ba sa ginawa mo noon kaya ayaw mo akong magkaganito? Ikaw puwede na mag-inarte ng ganoon pero ako hindi?" Marahas ako na umupo at hinarap siya. "Hindi ba unfair iyon?"

Tinitigan niya ako ng seryoso atsaka siya tumayo. Pinamulsahan niya ako habang nakatitig lamang aa akin.

"What!" Umirap ako at kinagat ang pang-ibaba ko na labi. Ang totoo, nalulungkot ako ngayon at nasasaktan pero wala akong malapitan. Sobra ang pinagdadaanan ko ngayon at para na akong mababaliw.

"Natalie, please. Alam ko kung gaano kasakit iyan. Gustung-gusto mo siya pero hindi puwede. At ayaw ng lahat. Pero ikaw mismo ang nagsabi noon sa akin na isipin ko rin sina Mom at Dad-

"Yeah." Putol ko at kasabay nito ang pagkabasag ng aking tinig. " I know. At akala ko noon ay madali lang iyon gawin." Nag-angat ako ng tingin at tumitig kay Kuya. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha na namuo sa aking mga mata. "Madali lang palang sabihin sa ibang tao, pero kapag ikaw na ang nasa kalagayan nila. Kuya, napakahirap pala. Nakakabaliw pala. Gusto ko siyang makita at makausap pero hindi ko magawa..." tuluyan akong bumigay. Tuluyan akong humagulgol.

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon