Ito na ata ang pinakamatagal na hindi namin pag-uusap ni Miggy. Kahit text o tawag man lang ay wala kami. Gusto ko na mag-message man lang sa kaniya pero hindi ko magawa-gawa. At naiinis ako sa aking sarili dahil doon.
Bakit ba hindi ko ito matanggap? Bakit ba kailangan ko siyang iwasan at hindi harapin?
May kasalanan ba siya?
Wala.
Alam ko iyon kaya gustung-gusto ko na siyang kausapin. At dahil na rin siguro sa nami-miss ko na siya. At siguro ay dahil na rin sa natatakot ako na pati ang pagkakaibigan namin ay mawala rin.
Paglabas ko ng banyo ay nagbihis lang ako sandali at nag-check ng phone pagkatapos. Napatititg ako sa screen ko ng matagal nang makita ang pangalan ni Miggy doon.
Nag-message pala siya sa akin.
Miggy
Let's talk. Ayoko ng ganito.
Sumagot naman ako dahil gusto ko rin siyang makausap.
Me
Ayoko rin ng ganito.
I'm just waiting for his text. At mukhang naghihintayan lang talaga kami.
Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko kung magkikita man kami. Kung ano ang aking sasabihin.
Itatanggi ko ba a aaminin ito.
Hanggang sa makarating ako sa isang pribadong restawran kung saan siya nagpa-reserve para sa aming dalawa.
Bago ako pumasok doon ay sinipat ko muna ang aking sarili sa salamin sa loob ng ladies' room. Nagsuot lang ako ngayon ng isang simpleng dress na kulay krema na umaabot hanggang sa gitna ng aking mga hita. Nakalugay lamang ang buhok ko na may kahabaan na rin. Simpleng make up lamang ang iniligay ko sapat na para matakpan kung paano ko siya iniyakan ng ilang araw.
Iniipit ko sa likod ng aking kanan na tenga ang buhok ko at doon nahantad ang hikaw ko. It's a pearl drop gold earring. At galing ito sa kaniya. Isa ito sa mga naging regalo niya sa akin sa kaarawan ko.
Huminga ako ng malalim bago ko pinihit pabukas ang pintuan kung saan ako sinamahan ng nag-aasist sa akin.
Pagbukas ko nito ay kaagad kong natanaw si Miggy doon na nakaupo. Nakatitig sa menu na hawak niya.
He's wearing a black long sleeves polo. The sleeves of it were rolled below his elbow, he paired it with cream chino pants and white sneakers. Bagong gupit siya. Alam ko iyon dahil noong huling kita namin ay may kahabaan pa ito. Kitang-kita mula sa anggulo ng pagkakaupo niya kung gaano katangos ang ilong niya maging ang hugis ng kaniyang mapupulang mga labi ay hindi maitatanggi kung bakit kinababaliwan siya ng mga kababaihan. Ang mahagkan ng isang Miguel Rivera ay langit. Langit din para sa akin. Ang magaganda at makakapal na pilintik ng kaniyang mga pilik-mata ay sadyang nakakaakit at tila ba bumabagal ang pag-inog ng mundo mo sa tuwing kukurap siya.
My God.
This is how I'm crazy about him.
How irresistible.
Hanggang titig na lamang talaga ako.
Tingin palang, mukhang napakabango na niya.
Humakbang ako papalapit sa kaniya at nang ikalawang hakbang ko ay napalingon na siya sa kaniya.
Walang ngiti sa kaniyang mga labi habang nakakatitig sa akin.
Wala ang ngiting madalas niyang isalubong sa akin ng madalas. Puno ng kaseryosohan ang kaniyang mukha habang nakatitig sa akin.
