Sinipat ko ang aking sarili sa harap ng salamin habang inaayos ng isa sa mga staff ng Amalie ang aking buhok. Nakagitna ako kina Czai at Drew. Nasa likuran naman namin si Frances na inaayusan na rin ng buhok. We're all wearing our elegant champagne satin gown. Kaya kitang-kuta sa bagsak ng tela ng suot namin ang hubog ng aming mga katawan maging ang mga malaporselanang balat namin dahil dito.
"Bakit parang paiksi nang paiksi ang buhok natin." Natatawang komento ni Czai habang nakatitig sa amin ni Drew sa salamin.
Sumulyap ako kay Frances at ngumiti.
"Iyong isa diyan, mukhang walang balak magpaiksi ng buhok.""Eli, loves my hair this way." Tugon naman ni Frances sabay sulyap sa amin.
"Eli loves gripping your hair when making love-
"Drew!" Pigil ni Frances sa kabaliwan na naman sasabihin nito.
Natawa kami sa biro ni Drew sa kaniya. Kung dati ay hindi mo man sila nakikita na magkausap ay iba na ngayon. Wala ka ng maramdaman na ilangan sa dalawa. Dahil siguro pareho silang hindi mahirap pakisamahan kaya ganoon.
"Nasa club na ba sila?" Tanong ko at sinipat ang make up ko sa salamin.
"Yeah. Maaga sila doon." Si Czai ang sumagot atsaka na tumayo.
"Balita ko ay kumpleto sila ngayon doon." Dagdag ko pa at tumayo na rin.
"Si Gray Galvantez iyon. Natural na makumpleto sila ngayon. Cloud did everything para lang makumpleto lang sila bago dumating ang araw ng kasal." Singit naman ni Drew.
"Mapupuno ang church sa club ng mga nagwagwapuhang nilalang sa mundo." Drew muttered and smiled sweetly.
"Parang ayaw ipasaksi ni Gray sa mundo na ikakasal siya? Bakit ipinasara niya ang club? Wala siyang pinayagan na makapasok kahit sino sa media. Kahit ang Alvarez Broadcasting ay hindi pinayagan. Kaya balita ko ay iritang-irita si Lee." Komento pa ni Czai at ipinakita ang larawan ng babaeng pakakasalan ni Gray.
She's damn gorgeous. Bakit naman ayaw nito ipagmayabang ni Gray. Siguradong maraming lalake ang kaiinggitan siya.
"Balita ko ay kaibigan iyan ni Cloud. She's beautiful right? Sila ang may-ari ng isang sikat na lingerie company. Nagmamay-ari rin sila ng isang sikat na clothing line." Czai added.
"Tingin mo? Baka nabuntis ni Gray kaya biglang nagpakasal?" Dudang sabi naman ni Drew.
Nagkibit-balikat ako.
Wala akong ideya.
Ang alam ko lang, lahat ng mga taong tinatanggap ni Gray na maging parte ng buhay niya ay iyong mga taong may silbi sa kaniya? Iyong pakikinabangan niya.
Huh. Iyon ang parte ng pagkatao ni Gray na hindi ko gusto. Na minsan ay nakikita ko kay Lee. Tss. I don't like those kind of attitude. Kaya madalas ay mainit ang dugo ko kay, Lee. But he's one of my friends na mahirap din naman itapon. Kapag kasi kaibigan mo, kahit may mga ugali sila na hindi mo gusto hindi mo pa rin maiwan-iwan. Dahil kahit papaano ay mas nananaig ang importansiya ng pinagsamahan ninyo kaysa sa mali sa pagkatao nito.
"Hindi tipo ni Gray ang mambuntis ng babae tapos pakakasalan niya pagkatapos. Masyado siyang maingat sa pangalan niya para gawin iyon. Malay natin mahal talaga nila ang isa't isa." Komento ni Frances.
Drew and I just shrugged. Tumawa naman ng mahina si Czai dahil tila ba duda kami pareho ni Drew sa huling sinabi ni Frances.
"Tanungin mo si Cloud. Sigrudong magkukuwento siya sa iyo." Biro ni Drew kay Frances.