"Nag-message na sa iyo?"
Tumango ako kay Frances at ipinakita ang message sa akin ni Harvey.
Simpleng text lang iyon at nang mag-send ako ng question mark ay tanging pangalan lang ang itinugon nito.
"Bakit hindi ka mag-reply?"
Inilapag ko sa mesa ang phone ko atsaka nagkibit balikat.
"Kahit ano pa ang titig ko sa mga message niya, hindi ko maramdaman na may interes talaga siya sa akin.""Ganoon nga ba? O ikaw ang walang interes?"
Natawa ako sa nanunudyo niyang tanong at titig.
"Sino ba ang hindi magkakaroon ng interes kay Harvey? Gwapo, mukhang matalino, masipag at malakas ang dating. Pinsan ni Kuya Austin eh." Ngumiti ako at napatingin sa lalakeng papasok ng cafe habang nakaakbay sa kasama niyang si Eli na nakangisi habang nakikinig sa sinabi niya.
"Pero mukhang walang-wala iyon sa lalakeng tinititigan mo ngayon.."
Nag-init ang mukha ko sa sinabi ni Frances kaya ibinalik ko ang aking titig dito.
"You..."
Tumawa siya ng mahina at tumayo para salubungin ang asawa. Nasundan ko siya ng tingin at nasaksihan kung paano kumawala si Eli sa pagkakaakbay ni Miggy sabay salubong sa kaniya ng yakap at halik sa mga labi.
Napangiti lang ako at tumitig sa kape na nasa harapan ko. Huminga ako ng malalim. Nang humigop ako dito ay napapikit ako sa tapang nito. Katulad ng kapeng ito ang nararamdaman ko ngayon dahil sa pag-ibig na hindi ko man lang makuha.
Napakapait.
Nang makita ko ang kamay na lumapat sa mesa ay awtomatiko akong napaangat ng tingin.
Nasa harapan ko na si Miggy at nakasandal sa mismong mesa at nakatitig sa akin.
Limang araw ang lumipas pagkatapos ng binyag ng kambal ay hindi pa kami nagkikita dahil sa may pinuntahan kami ni Mom sa Cebu. Hindi rin kami ganoon nakapag-videocall dahil madalas ang meeting namin ni Mom. Kapag gabi naman ay kasama ko pa rin si Mom at tila ba sinasadya na ilagay ako sa napaka-busy na sitwasiyon.
Kapag tatawag naman ako ay siya naman ang may ginagawa at nagmamadali.
Kaya naman habang nakatitig ako sa gwapo niyang mukha na may kakaibang ngiti sa mga labi niyang namumula ay napangiti ako ng hindi ko maintindihan.
It's just, I'm happy to see him.
Palagi naman...
"Did you enjoy those damn days without me?" Nakangisi na niyang tanong habang hindi iniaalis ang titig sa akin.
"Iyan ba ang paraan mo para sabihin na.." binitin ko ang aking sasabihin at ngumisi. "Na na-miss mo ako?"
He laughed and shrugged his shoulders. "Panay ang alis mo ngayon, pero hindi pa rin ako nasasanay."
Hinila niya ang isang upuan at sa tabi ko umupo.
Ngumiti ako sa aking narinig na kahit ganoon lang ang mga sabihin niya ay nakukuha niyang haplusin ang puso ko.
Kahit hindi niya ako diretsohin. Alam ko ang kaniyang ibig sabihin.
"What do you want?" Tanong ko sa kaniya. "Coffee?"
"No. Kakakain lang namin ni Eli." Tugon niya iniusog pa papalapit ang kaniyang upuan sa akin. Then he leaned his head on my shoulder. "Napagod ako."
"Ano ba ang ginawa ninyo ni Eli?" Tanong ko at tumingin kay Eli.
"Hindi ko sasabihin." Ani Miggy atsaka naman ngumisi si Eli.
