52

5 0 0
                                    

Huminga ako ng malalim at binuksan ang pintuan ng kwarto ni Miko. Kakagaling ko lang kay Kuya Miro para sabihin ang mga nangyari sa akin at kay Nat. Natuwa siya sa nangyayari pero nalulungkot din dahil parang napakahirap pa rin daw ng kalagayan namin ni Nat.

"Ikaw, kung iyon ang sa tingin mo ay tama. Pero isa lang ang sasabihin ko sa iyo Miggs. Si Mom. Kung kakayanin mo na makita siyang masaktan dahil sa gagawin mo, ituloy mo lang. Pero asahan mo na nasa tabi naman ako ni Mom.."

Iyon ang mga salitang sinabi sa akin ni Kuya nang sabihin ko sa kaniya na gusto kong kausapin si Miko para matapos na ang lahat ng ito.

Ito lang ang paraan para maging maayos ang lahat.

Kahit alam ko na ikakasakit ito ng loob ni Mom ng sobra...


"How's Nat.."

I clenched my fist and closed the door after I came in.

I took a deep sigh and stared his back. Nakatayo siya habang nakatitig sa larawan namin magkakapatid sa pader.

"She's fine. She's with me and I'll make her happy no matter what—

"I'm glad to hear that she's fine."

Hindi ako kumibo at nanatiling nakatayo sa kaniyang likuran sa di kalayuan.

"I really did cross the line right.."

Hindi pa rin ako kumibo.

Pakiramdam ko ay marami siyang gustong sabihin.

"Kailan ba tayo nagkaganito..."

"I don't know. Nagbago ka lang bigla.." mahina ko na tugon at tumingin sa larawan na tinititigan niya.

"Masyado ko lang naramdaman na nag-iisa ako noon. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko noon ay kinukuha mo lahat ng mayroon ako. Si Mom, si Dad at ang kapatid natin na si Miro. Napagod ako Miguel.." lumingon siya sa akin nang may pait sa kaniyang mga ngiti. "Napagod akong intindihin ang mga bagay na hindi ko maintindihan. Hanggang sa mawala na ako. I was lost and couldn't find my way home. Until now..."

Umiwas ako ng tingin nang makita na namumuo ang mga luha sa kaniyang mga mata.

"How am I supposed to understand you then. Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit ka nagkaganoon bigla sa akin. Wala akong ibang ginawa kung hindi punan lahat ng pagkukulang ninyo kina Mom at Dad. At dahil sa mga mali mong nararamdaman ay nakagawa ka ng bagay na hinding-hindi ko matatanggap kahit kailan." tumingin ako sa kaniya na puno ng hinanakit. "Sinaktan mo ang babaeng nais kong alagaan ng sobra. You hurt me, your own brother. At ni hindi ka man lang humingi ng tawad sa akin."

Naramdaman ko ang mainit na umagos sa isang pinsgi ko pero kaagad ko rin iyon pinalis. Sobrang sakit ng loob ko. Sobrang bigat nito habang nakatitig ako sa kaniya.

"Pero hindi na mahalaga sa akin kung ano man ang dahilan ng mga ginawa mong iyon sa akin. Ang gusto ko lang, pagbayaran mo ang ginawa mo. Kung may kaunti pang konsensiya ka na nararamdaman diyan sa loob mo. Natalie and her family suffered so much. Hindi ba ito na ang pagkakataon para pagbayaran mo ang lahat ng iyon? Hindi man para sa akin, para kay Natalie nalang sana.."

Umiwas siya ng tingin at tumawa ng mahina. He covered his eyes with his hand and laughed again.

"Siguradong malulungkot si Mom.." he almost whispered. He whimpered as he touched the photo frame on the wall. "Our Mom will cry again, because of me. At hindi ko kaagad na-realize na ganoon pala ang mararamdaman ni Mom, sa tuwing nasa ganito akong sitwasiyon."

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon