33

19 2 0
                                    

"She looks so brave, right? Pero alam mo na hindi iyon totoo."

Tumango ako sa tinuran ng Dad ni Natalie tungkol sa kaniya. Nasa veranda kami at doon nakaupo habang nagkakape. Ang totoo ay kinakabahan ako, dahil sa tagal na namin na magkakilala ni Nat ay hindi ko pa nakakausap ng ganito ang Dad niya. Ni hindi ko siya matignan sa mata dahil pakiramdam ko, wala naman akong ginagawa ay pinagtataksilan ko na siya dahil sa ginawa ni Miko...

Napakahirap...

Humigop siya sa tasa niya na nakapatong sa mesa atsaka tumawa.

"May pagkamatigas din ang ulo. Lalo na pagdating sa iyo. She hates it when we're nagging her because of you."

Nakaramdam ako ng hiya at napahaplos sa aking batok.
"I'm sorry po."

"Alam ko na kahit ano'ng pigil namin sa kaniya sa mga ginagawa niya na hindi naman akma sa kung ano ang relasiyon ninyo noon ay hindi siya magpapaawat." Umiwas siya ng tingin sa akin at huminga ng malalim. "I know that she likes you a lot. Noon pa man siguro.  Sa mga nababalitaan ko sa iyo noon ay natatakot ako na masyado siyang mapalapit sa iyo, at hindi mo iyon maibalik ng ganoon din iyon sa kaniya. Baka umasa siya at masaktan."

Hindi ako kumibo dahil alam ko na nag-aalala lang siya sa kaniyang anak. At may punto naman siya. Napakapilyo ko noon kaya hindi ko man lang napansin ang nararamdaman ni Natalie sa akin. Kaya siguro madalas ay nasasaktan ko siya.

Dahil wala akong alam.

"Her mom told me that there was a time that she just cried a lot in front of her. Wala siyang sinabi sa kaniya na dahilan kung bakit. But our role as her parents is to comfort her and tell her that everything will be alright. Kahit hindi namin alam ang dahilan. I hate seeing my daughter crying that I don't even know why. Nasasaktan ako bilang ama, dahil wala akong alam kung bakit nagkakaganoon ang anak ko." Nang tignan niya ako ay hindi ako nakaiwas ng tingin. Pakiramdam ko, kailangan kong pakinggan ng mabuti ang mga sasabihin niya.

"Ang ibig kong sabihin, mahal na mahal ko ang mga anak ko. Ayoko na maranasan ni Nat o ni Natasha ang nangyari sa Kuya nila. Handa kong gawin ang lahat para sa kanila. At kung ano man ang nakakasama sa kanila, handa kong alisin iyon kahit gustung-gusto nila. Hindi ko mapapatawad ang mananakit sa kanila. Nagkakaintindihan naman tayo hindi ba?"

Matagal bago ako tumango.

Ang hirap sumang-ayon sa mga bagay na alam mong tagilid kana doon pa lang.

Ang dami-daming pumasok sa isipan ko habang nagsasalita ang Dad ni Natalie sa akin.

Nakinig lang ako nang nakinig. Hindi ako makapag-komento dahil nakakaramdam ako ng kaba.

At higit sa lahat, ng takot.

Pagpasok ko sa kwarto ni Nat ay nakatitig siya sa kaniyang phone habang natatawa pa.

Watching her like this makes my heart melt.Ang tawa at ngiti niya, iyon ang nais ko lamang makita sa kaniya araw-araw.

Ang natural niyang pagkamasungit ay dumadagdag sa lakas ng kaniyang dating.

Pero sa tuwing pumapasok sa isipan ko ang katotohanan, lahat ng takot at alalahanin ko sa aking dibdib. Parang mababasag ang aking puso dahil sa katotohanan na iyon na nagbibigay ng takot para sa aming dalawa.

"I'm leaving."

Napalingon siya sa akin at inilapag sa side table ang kaniyang phone.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Sinilip niya ang sa likuran ko.

"Si Dad? Ano'ng sinabi sa iyo? Pinagalitan ka ba?"

Hinawakan ko siya sa braso at iniharap sa akin.
"No. Don't you worry. Nag-usap lang kami, nagkuwentuhan. Wala kang dapat ipag-alala."

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon