32

18 2 0
                                        








Bakit pakiramdam ko ang dami kong taong ginawan ng hindi maganda kailan lang kaya sobrang nagi-guilty ako at hindi ko alam kung paano sila lalapitan para humingi ng paumanhin.

Isinuklay ko ang aking mga darili sa aking buhok at nagpatuloy sa aking ginagawa sa laptop sa aking harapan.

Napatitig ako sa phone ko nang makitang lumiwanag iyon.

Wala sana akong balak na tignan iyon pero nakita ko sa screen na galing ang mensahe sa GC namin nina Miggy at ng iba pa.

Nang tignan ko iyon ay isang video ang ipinasa ni Frances doon.

Napangiti ako nang makita iyon.

Karga ni Eli si Baby Elijah at paulit-ulit na sinasambit ang salitang...

"Dad...."

Madiin ang pagkakabigkas ni Elijah sa salitang iyon na dahilan para mamula ang mukha ni Eli ng sobra at kitang-kita ang pagkislap ng mga mata nito dahil sa narinig mula sa kaniyang anak na si Elijah. Nakahawak pa si Elijah sa mukha ni Eli habang sinasambit iyon.

Si Elisha naman ay ibinubuka ang kaniyang bibig na tila ba pinipilit ang sarili na bigkasin ang mga salitang magpapasaya sa kaniyang mga magulang ngunit wala pa talaga. How cute!

Habang pinapanood ko ang video ay hindi mawala-wala sa aking mga labi ang ngiti dahil sa tuwa para kina Eli at Frances. Alam ko na excited na sila para sa kaarawan ng kanilang kambal. Well, ganoon din kami siyempre.

Lahat kami ay nag-react ng heart emoji sa video maging si Miggy.

Speaking of Miggy. Wala siya ngayon dahil nasa site siya kung saan itinatayo ang isang branch ng kaniyang shop para tignan iyon.

Isinasama niya ako pero dahil marami rin akong trabaho ay hindi na ako nakasama..

Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi siya sumasagot.

Kung anu-ano na ang pumasok sa isipan ko na hindi maganda pero mabilis ko iyon na inialis.

Kailan lang kami nag-away ng dahil dito kaya dapat kong lawakan pa lalo ang pag-iisip ko sa relasiyon na mayroon kami.

Trust.

Tama.

Pagkatapos ko sa aking ginagawa ay nagpasya ako na puntahan si Dad sa kaniyang office.

Busy ako sa phone ko nang pumasok ako ng elevator. Kaya nang magsara ito at mag angat ako ng tingin ay napalingon ako sa aking tabi.

Si Kuya Nathan.

Hindi ko pa ulit siya nakakausap dahil sa umiiwas nga ako. Kahit sa bahay. Nahihiya ako sa aking mga ginawa. Na-realize ko na hindi ko dapat pinakialaman ang lahat. Dahil sa totoo lang, alam ko naman na wala akong magagawa kahit ano pa ang sabihin ko.

Hindi siya nakatingin sa akin. Alam ko na ginagawa niya ito dahil alam niya kung gaano kataas ang pride ko. At siya mismo ang nag-a-adjust sa ugali ko.

"Respeto."

Iyon ang kaniyang sabi na hindi nakatitig sa akin.

Napayuko ako at tumango.

"Yeah. I'm sorry. Hindi ko dapat ginawa iyon." Sa wakas ay nasabi ko.

"Alam ko na nag-aalala ka."

"Uh-huh." Tugon ko.

"Pero kailangan mo pa rin ibigay ang respeto na dapat ay para sa akin. Kuya mo ako. I maybe stubborn sometimes, but I know what I'm doing."

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon