"Look who's here."
Ngumiti ako at kumaway kina Czai at Damon na busy sa pag-aasikaso kay Baby Mason bago kami tuluyan pumasok ni Miggy.
Tumalima si Czai at naglakad pasalubong sa akin. Isang yakap na mahigpit ang isinalubong namin sa isa't isa.
"God. I missed you all." Malambing ko na sabi at nakipag high-five kay Damon nang daanan kaming magkayakap ng kaniyang asawa.
"Bigla ka na lang nawawala." Natatawang sabi ni Damon at inakbayan si Miggy. "Nag-alala kami sa iyo."
"Sorry na." Nahihiya ko na sabi at kumawala sa yakapan namin ni Czai. "There he is." Natutuwa ko na bulong at dumiretso kay Baby Mason na hawak ng Mom ni Czai na nabalitaan ko ngang dito muna nanatili para samahan sila dahil nagtatrabaho si Damon. Nagmano ako sa Mom ni Czai maging si Miggy.
"Mas gumanda ka ata ngayon." Naaaliw na puri sa akin nito. Nahihiya akong ngumiti atsaka siya tumitig kay Miggy. Inilipat niya sa akin si Baby Mason na kinagiliwan ko ng husto. "Napakagwapo talaga ng batang ito." Napatitig ako kay Miggy na tumawa sa puri ni Tita.
"Ikaw naman Tita. Sigurado ako na kapag dumating si Lee ay siya na ang gwapo para sa inyo. O kaya naman si Eli."
"Siguradong maiinggit ang mom nina Zion kapag nakita na magkakasama tayo dito. He loves Lee so much."
Natawa kami sa tinuran ni Tita. Napatitig ako ng husto sa mukha ni Miggy na napupuno ng kasiyahan ngayon. Now I realized that I must treasure our friendship even if I failed to be his woman.
"Ganoon talaga si Lee, Tita. Malakas ang hila niya sa mga ganoong edad." Dagdag pa niya at muling tumawa.
"Matanda na ba kami para sa iyo, Miggy?" Nakataas ang kilay na tanong ni Tita sa kaniya.
Mabilis ang kaniyang pag iling na ginawa.
"Hindi ganoon ang ibig kong sabihin Tita. Napakalayo kaya ng itsura ninyo sa inyong edad."pagtatama niya na ikinailing ko.
Malaya akong pinagmasdan ang mukha ng gwapong si Baby Mason. Before, we only have the twins. Elisha and Elijah. And now we also have this cute little one. Ilang buwan o taon lang, sigurado ako na may playmate na ang kambal at si Mason iyon. And I'm wondering, when will I have mine. Nakakatuwang isipin na kapag lumaki ang mga ito ay sila rin magkakasama...
"Hi there!"
Napalingon kami kina Drew na pumasok. Nauna si Drew na sinundan naman ni Blake na nakatitig sa likuran ni Drew habang papalapit sa amin. Nang hawakan ni Blake sa braso si Drew ay pumiksi ito.
Hmmm.
May away ang dalawa
Hindi pinapansin ni Drew si Blake. May away nga.
Nagbatian pa kaming lahat pagkatapos iabot ni Drew at Blake ang dala kay Damon. Sunod na dumating sina Eli at Frances kasama ang kambal.
Tila ba napakabilis lumipas ng panahon. Ang bilis lumaki ng kambal at unti-unting nakikita na kung sino ang kamukha nina Eli at Frances dito.
Sinalubong namin sila at maging ang kambal na nakakagigil ng husto.
Napaka-cute at napakalusog.
Nang dumating si Lee ay umismid ako nang maalala kung sino ang kasama niyasa Siargao nang makita ko siya doon. At sigurado ako, hindi iyon si Laurene.
"How's Laurene?" Tanong ko sa kaniya nang mapadaan sa harapan ko.
Tumingin siya sa akin at umismid.
"She's still crazy about me." Mayabang niyang tugon sabay pakita sa akin na ka-videocall pala niya ito.
