28

13 2 0
                                    









Pinili ko na ilaan ang araw ng pahinga ko ngayon kasama si Nat. Kitang-kita sa mga mata at tinig niya kung gaano siya kasaya ngayon na kasama ako sa kabila ng pagod at puyat na kaniyang pinagdadaanan ngayon dahil sa wala ang kuya niya. Halos sa kaniya lahat ang trabaho na iniwan nito.

Noon pa man ay ganiyan na siya. Siguro iyon ang isa sa mga pagkakapareho namin. Okay lang naapagod o mahirapan, basta para sa mga magulang namin. Pero alam ko na sa aming dalawa, siya ang may pinakamalaking puso para sa kaniyang pamilya.

Makikita mo lang sa kaniya na malakas at matapang siya pero pagdating sa pamilya niya, iniiwasan lang talaga niya na gumawa ng mga bagay na ikakasira ng mga ito. Kaya doon, ay nagiging mahina siya. Mahinang-mahina.

Alam na alam ko iyon.

Dahil mas pinili niyang dalhin lahat ng ginawa ni Miko sa kaniya sa kagustuhan na hindi na mapahiya at magkaroon ng problema ang mga magulang niya. Dahil noong mga panahong iyon ay may pinagdadaanan din problema ang mga ito. At ayaw niyang dumagdag pa.

Humakbang ako papalapit sa kaniya na ine-enjoy ang tubig sa tabi ng dagat habang nakaupo doon. Nakapulang bikini siya na nagpatingkad ng malaporselana niyang balat na ibininilas sa ilalim ng sikat ng araw. She's shining like crazy.

Nitong mga nakaraang araw ay nawalan na ako ng gana na tumugon sa mga mensahe na natatanggap ko mula sa mga babaeng nakikilala ko. Ang totoo, dahil hindi naman tinitignan ni Nat ang phone ko ay nakukuha ko pa na tumugon o tumawag sa mga ito. Pero habang tumatagal ay iisang babae na lang ang kingigiliwan at kinababaliwan ko.

Nang tignan niya ako ay kumaway siya sa akin kaya naman inilanh hakbang ko lamang ang nasa pagitan namin at umupo sa kaniyang tabi.

"Are you happy?" Malambing ko na tanong sa kaniya habang nakahiga kami sa duyan at ine-enjoy ang view mula sa kinahihigaan namin.

Nakaunan ang isang braso ko sa kaniyang ulo habang nakayakap naman siya sa akin.

"I am." She simply replied and looked at me.

Hinawakan ko siya sa baba at inabot ang kaniyang mga labi.

"Let's do this again and make time for each other whenever we're free." She whispered and embraced me tighter.

Niyakap ko siya pabalik at hinalikan sa buhok.

"Did you change your shampoo?" Tanong matapos maamoy ang mabango niyang buhok.

"Yeah. Don't you like it?"

"I love it..." malambing ko na bulong at muling hinawakan ang kaniyang baba at itiningala hanggang sa magtama ang mga paningin namin. "I love you..."

Nakita ko kung paano namula ang magkabila niyang pisngi at kinagat ang pang-ibaba niyang labi.

"Hey, huwag mong pagurin masyado ang sarili mo. Alam ko na ginagawa mo ito para sa pamilya mo pero huwag mo sanang sagarin ang sarili mo pagdating sa trabaho." Hinaplos ko ang pisngi niya habang nakatitig pa rin siya sa akin. "Naiintindihan ko iyon at wala akong karapatan na pigilan ka. Pero may karapatan naman siguro akong mag-alala para sa iyo. May karapatan din naman ako na sabihan ka na kailangan mo ng pahinga. And I do have the right to demand some time from my girlfriend? Right?"

She smiled sweetly and gave a soft kiss on my lips.
"Yeah. Of course. Para malaman mo ikaw ang nagtatanggal ng pagod at stress ko araw-araw. Hearing your voice after my toxic work, it feels good. Relaxing. That's why you need to call me every single day. Kailangan ko iyon kahit hindi kita makita. Videocall may do. Mas maa-appreciate ko..."

"I will surely do that." Inalalayan ko siya na makaupo at makababa ng duyan bago ako bumaba. "Mag-lunch na muna tayo." Aya ko sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Iniipit ko sa likod ng kaniyang tenga ang buhok niya na isinasama ng hangin at inilapit ang aking mukha sa kaniya tenga. "Magkulong na lang tayo sa kwarto pagkatapos."

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon