Kausap ko ang isa sa mga customer namin sa isang branch ng Amalie Spa nang mapansin ang isang lalake na pumasok kasama ang isa pang lalake na sinalubong naman ng isa sa mga staff dito. Pagkakita ko pa lang sa lalake na kausap ng staff ay nakilala ko na siya.Hindi na naalis ang paningin ko sa kaniya hanggang sa maupo na ito sa harapan ng malaking salamin at eksakto doon ang aking repleksiyon. Nagulat pa ako nang mapatitig siya sa akin kaya mabilis akong umiwas ng tingin. Mapatikhim ako at tumingin sa kausap ko.
"Doon lang ako sandali ma'am." Paalam ko sa customer na kausap ko at humakbang papunta sa receptionist. Habang nakatayo ako doon at kinakausap ang staff ko doon ay napapasulyap ako sa lalake na nakaupo at kasalukuyang ginugupitan ngayon.
Natawa ako sa king sarili ng palihim dahil inaamin ko, naaakit ako na tignan siya ng hindi ko malaman. Siguro ay attracted ako sa kaniyang dating at kagwapuhan.
Nagpasya akong umupo sa tabi ng receptionist habang nagpaka-busy sa pagtingin sa mga naka post sa IG ni Miggy. Napailing ako nang makita na iba na naman ang kasama niyang babae. Kung hindi ako nagkakamali ay isa itong sikat na modelo ngayon. At wala siyang pakialam kung kumalat man sa buong mundo ang kaharutan niya.
Nang may tatlong beses akong katok na narinig sa harapan ko ay doon ako napaangat ng tingin.
"Harvey...."
Nakita ang pagngiti niya nang sambitin ko ang pangalan niya. Maging ako ay nagulat dahil doon kaya tumawa ako ng mahina.
"Naikwento ka ni Frances, sorry."
Tumawa siya ng mahina at nagkibit-balikat. "Sana naman hindi ganoon kadami ang naikwento niya."
"No. Nasabi niya lang na pinsan ka ni Austin." Iyon lang ang lumabas sa bibig ko. Alangan naman sabihin ko na sinabi na Frances na itinatanong niya ako kay Austin. Baka isipin niya, masyado akong bilib sa sarili kong ganda.
Biro lang.
Iniikot niya ang paningin sa paligid at ibinalik ang tingin ulit sa akin.
"The ambiance really impressed me. May ganito rin naman sa Iremia pero iba ang dating dito. Babalik ako para makapag-relax minsan." Puri pa niya.
"Hindi iyan magugustuhan ni Frances kapag narinig ka niya." Biro ko.
"Tumatanggap siya ng mga ganoong opinyon." Aniya at ibinigay ang card sa cashier namin. Sinenyasan siya ng kaniyang kasama na sumunod na lamang sa labas kaya tinanguan niya ito. "Mauna na kami. Salamat." Tumango lamang ako at nasundan siya ng tingin. Nakita ko na inabutan niya ang staff na nag-asikaso sa kanila bago tuluyan na lumabas. Hinahayaan ko ang mga staff na tumanggap ng ganoon dahil derserve nila iyon.
Hanggang sa labas ay nakasunod ako ng tingin sa kanila.
"Madalas ba siya dito?" Tanong ko sa katabi ko.
"Ngayon ko lang siya nakita ma'am. Pero mukhang magiging madalas siya rito." Tugon naman nita na ikinatawa ko lamang.
Really? Mukha ba siyang may interes sa akin? Obviously, sa kilos at pananalita niya, wala siyang gusto man ni katiting sa akin. Mukhang hindi niya ako balak jowain. Tama si Frances.
I chose to wear a square neck, puff sleeves white peplum dress to attend the Christening of baby Elijah and Elisha. Umaabot ito hanggang sa gitna ng aking mga tuhod pero hindi naman ganoon ka bulgar tignan. Ang sabi ni Mom, huwag naman daw akong magsuot ng luwa ang katawan ko dahil binyag ang pupuntahan ko. Bakit ko naman gagawin iyon? Alam ko ang ginagawa ko. .
