18

13 1 0
                                    







Napaismid ako sabay mura nang hindi ko tamaan ang pinakasentro ng shooting target gamit ang shotgun na hawak ko. Niyaya ko sina Blake at Eli na pumunta sa isang shooting range kung saan kami madalas pumunta ni Kuya Miro kapag may problema ito.

Pero wala ako sa mood ngayon kaya hindi ko matamaan ang mga target na nais kong tamaan.

Pabagsak akong umupo sa tabi ni Blake.

"What's with you? Wala ka ata sa tono ngayon?" Pansin ni Blake sa akin dahil puro palpak ang mga tira ko ngayon.

Nakatitig lang ako kay Eli na siya naman nakatayo doon at nagpo-focus sa pagtira ng mga target sa harapan nito.

"Kung mukha ni Miko ang ilalagay mo sa shooting target. Isang bala lang iyan sa akin." Iritado ko na tugon at naalala na naman ang nangyari kahapon sa condo ni Natalie.

"He's your brother-

"Who made a terrible thing to Natalie." Putol ko at huminga ng malalim. "At hindi ko maintindihan. Bakit napakalakas ng loob niya na lapitan si Nat. Wala ba siyang konsensiya ni katiting? At ang akin lang..." naalala ko ulit ang nangyari kahapon. Tumiim ang aking bagang at pumikit. "Bakit hinahayaan siya ni Nat na dumikit sa kaniya."

"Jealous?"

"I'm not." Nakaismid ko na tugon. Pero binabalik-balikan ako ng tagpong iyon na kasama niya si Miko. "Nakakainis lang dahil hinahayaan niya si Miko na gawin ang gusto nito. Sabihin na natin na magkaibigan ang kapatid niya at si Miko. Hindi ba siya naiinis o nagagalit man lang? Nagpipigil lang ako. Pero gustung-gusto kong sapakin si Miko ng araw na iyon. Mas importante lang si Nat. Importante na nakita ko na siyang okay kahit halos mabaliw ako sa kakahanap sa kaniya."

"Pero hindi ba ikaw ang nagsabi sa amin na huwag masyadong ipakita kay Nat na nakita namin ang video kahit alam naman niya na nakita na namin iyon?"

Isang matalim na titig ang ibinigay ko kay Blake nang sabihin niya iyon.

"So you watched the whole video?"

Tumawa siya ng mahina at umiling. " Hindi ko kayang panoorin ang ganoon. Your brother is an asshole." Natigilan siya na tila ba may naalala. "Naalala ko lang. The one who kept on saying that he didn't watch the video. Si Lee?" Muli ay natawa siya at alam ko na ang dahilan.

"That bastard. Sinabi niya na hindi niya pinanood, pero alam na alam niya ang nangyari." Napatiim-bagang ako nang maalala rin ang biro sa akin noon ni Lee na sineryoso ko dahil si Nat ang pinag-uusapan.

"Nice curves."

"Bakit daw ginawa ni Nat iyon? May problema ba siya?"

Doon ako natigilan.

Paano ko ba sasabihin ito?

Pagkatapos ng mga sinabi at ipinagtapat sa akin ni Nat, paano ba niya ako ini-expect na mag-react? Nagulat din ako. I thought she was just bluffing me. Hindi ko inisip na seryoso siya kaya kinausap ko talaga siya.

I mean, kailan?

Bakit?

Bakit ako?

Maraming lalake na umaaligid sa kaniya? Wala ba siyang mapili?

Natigilan ako.

Well. Napakamot ako sa aking pisngi at natawa. Paano nga ba siya magkakanobyo? Panay ang singit ko. Panay ang bawal ko. Panay ang puna ko.

How....

Paano iyon nangyari?

Natalie Navarro..

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon