Pagkatapos namin mapag-usapan ang lahat ay nag-aya silang kumain sa isang retawran para sa lunch namin bago kami magkahiwa-hiwalay.
Nauna silang lumabas ng coffee shop sa akin dahil pumunta muna ako ng ladies' room.
Paglabas ko mismo ng cafe ay nakita ko si Miggy na nakatayo malapit sa kotse ni Raven habang nakabukas ang bintana sa driver's seat at doon nakatitig siya.
Tila ba nag-uusap ang dalawa na nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa akin. Nag-init ang mukha ko dahil sa biglang inis na aking naramdaman.
Humakbang ako papalapit sa kotse ko na tila ba naramdaman ni Miggy dahil lumingon siya sa akin at nakita ko kung paano siya maingat ma humakbang paatras papalayo sa kotse ni Raven habang nakatitig sa akin.
Umiwas ako ng tingin at binuksan ang pintuan ng kotse ko.
Nang makapasok ako ay isinara ko kaagad ito at hindi ibinaba ang bintana nang katukin ito ni Miggy.
Nang muli siyang kumatok ay binuhay ko ang manibela at hindi man lang siya nilingon. Nakita ko na napatingin sa direksiyon namin ang iba pero hindi ko na iyon pinansin pa.
Nang muli niyang katukin ang bintana ay tumingin doon at nakita ang seryoso niyang mukha mula sa loob.
Nagpasya ako na buksan ito para ipagtabuyan siya.
"Sumabay kana sa akin. Balikan na lang natin mamaya ang kotse mo-
"Bumalik kana doon." Putol ko sa kaniyang sasabihin. "Mukhang mas mag-e-enjoy ka na doon sumabay."
Nang akmang isasara ko na ulit ito ay iniharang niya ang mga kamay niya para pigilan ito.
"Masyado nang sira ang araw ko Miguel para dumagdag ka pa." Malamig kong wika sa kaniya.
"Masyado ka lang nag-iisip ng kung anu-ano."
"Hindi mo nga kinakausap at pinapansin kanina, kasi nasa harap mo ako. Pero pagkatalikod ko, dumikit ka na naman. Hindi ka nakatiis." Dirediretso ko na sumbat sa kaniya.
"Tss. Nat, hanggang kailan mo ako pag-iisipan ng ganiyan pagdating kay Raven? Mahirap ba na paniwalaan na kaibigan na lang talaga ang turing ko sa kaniya?" Halos pabulong lang niya na sabi para hindi marinig ng iba. Pero panay ang lingon sa amin nina Damon. "Ang unfair lang nito kay Raven. Hindi ka ba napapagod sa kakaisip ng ganiyan sa akin? Nakakahiya sa kaniya kapag nalaman ito.."
I laughed sarcastically and shook my head.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga tinuran niya.Alam ko na may mali sa ginagawa ko.
Pero hindi ko ma-control ang sarili kong emosiyon.
Ang tanging alam ko lang, nagseselos ako ng hindi ko alam kung bakit.
Ang hindi ko lang matanggap ay nasasabi niya ang mga iyon sa akin ng harapan na hindi man lang iniisip ang nararamdaman ko.
"Wala akong ginagawang masama. Alam mo iyan." Dagdag pa niya at inialis ang kamay sa bintana ng kotse ko. "Isipin mo ang gusto mong isipin. Wala ka ng paliwanag na makukuha mula sa akin dahil nasabi ko na lahat." Seryoso ang kaniyang mukha na nakatitig sa akin.
"Hindi ko hinihingi ang paliwanag mo." I scoffed and looked away.
"Yeah. Ganoon na nga. Wala na akong magagawa doon. Hindi kita kukulitin kung ano man ang gusto mong gawin." May pagkadismaya niyang tugon bago umatras mula sa kaniyang kinatatayuan. "Tawagan mo na lang ako kung okay kana." Dagdag pa niya atsaka na naglakad papalapit sa kotse niya.
Nakita kung paano niya ikinuyom ang kaniyang kamao bago sumakay sa kaniyang kotse.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela habang nakatitig sa kotse niya.
