3

18 2 0
                                    







"Natalie!"

Kasama ko si Drew nang may tumawag sa akin sa loob ng mall. Isang lalake ang naglalakad papalapit sa amin at kilalang-kilala ko kung sino ito. Paano ko ba naman makakalimutan si Connor Ravalez.

"Natalie..."

"Connor.."

"How are you? Ilang taon na simula noong umalis ako after graduation? God..." pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Lihim akong natawa at napatingin kay Drew na nakangisi rin.

"You're beautiful, as always." he praised as he stared on my face. Narinig ko ang pagtawa ng mahina ni Drew.

"Naka-high waisted jeans palang iyan at puting t-shirt ah. Paano pa kapag nakita mo siyang naka-micro mini shorts." Singit niya na ikinatawa ko.

"I'm not wearing micro mini shorts, Drew." Naiiling ko na suway kay Drew na nagkibit-balikat sabay talikod.

"Doon lang ako. Ihahanap ko ng damit si  Blake. Enjoy."  Paalam pa niya na alam kong gusto lang talaga akong iwanan kay Connor.

"Kailan ka pa nakauwi?" Tanong ko kay Connor na nakatitig pa rin sa akin.

"Ah. Yeah. Last month." Tugon niya at nang tumunog ang phone niya ay ni-reject niya ito. "Hmm can I have your number. May nilalakad lang ako ngayon. Para ma-contact kita. Kung sakali lang naman."

"Ow. Yeah." Tugon ko at tinanggap ang phone niya. Doon ako nag-type ng number ko.

"I'll call you." Aniya.

"Yeah. You should go. Baka mahuli sa lakad mo."

Tumango siya at ngumiti. Tila alangan pa siya na umalis pero wala siyang nagawa kung hindi ang maglakad papalayo.

"Ang ganda mo sa side view, Nat."

Napatingin ako sa picture ko na nakuhanan ni Drew habang kausap ko si Connor. At nagulat ako dahil nai-send na niya ang picture sa GC naming magkakaibigan.

"Hala. Loka-loka ka talaga.." natatawa ko na sabi habang nakatitig sa mga nag-seen na sa larawan.

Miggy
May pokemon ka atang nakasalubong Nat?

Blake
Uy.

Damon
HAHAHAHAHAA.

Lee
Psyduck.

Miggy
Tangina! High-five nga tayo @Lee

Lee
Asa.

Miggy
Ma-kick ka nga mamaya sa GC. @Lee

Lee
Ngayon na.

Napailing na lang ako sa mga komento nila kay Connor. Mga siraulo talaga.

Kilala nilang lahat si Connor.

Of course.

"Kilala nila?" Tanong ni Drew habang naglalakad kami.

"Yeah. Si Connor ang nakaaway ni Miggy noong college kami. Si Connor ang una kong manliligaw noong nasa college kami. Hindi siya trip ni Miggy. Kaya palagi siyang nakabantay sa amin. Nagkapikunan sila. Kaya hindi nakapagtimpi si Connor."  Napailing ako nang maalala iyon. Nagbugbugan talaga sila at umiyak lang ako ng umiyak. At sa huli ay kay Miggy pa rin tumakbo para alalayan ito. Kaya huminto si Connor sa panliligaw sa akin. Doon ko na-realize na.....

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon