Pinuntahan ko ang kwarto ni Kuya, ibibilin ko sana sa kaniya ang apat kong anak. Lalo na si Sera at Kera.
Napatigil ako sa harap ng kwarto ni Kuya, nakabukas ang pinto. Narinig ko ang boses ni Seve at Seke.
"Bakit po, Daddy?" sabay na tanong nila. Kinakausap na pala ni Khen si Seve at Seke. Hahakbang na sana ako kaya lang hindi ko magawa. Na curious ako kung ano pag uusapan nila, kahit alam ko naman na sasabihin lang naman ni Khen na mag uusap kami.
Siguro na curious ako sa magiging reaction at kung anong sasabihin ni Seve at Seke.
Matagal bago maka sagot si Khen.
"Mag uusap kami mamaya ng Mommy niyo." sabi niya. Ano kaya ang reaction ng mukha nila.
"Gusto ko lang malaman niyo, kasi kasama kayo sa desisyon ko....sa desisyon namin ng Mommy niyo. Hindi naman kami mag dedesisyon na ikakasama niyo. Naiintindihan kayo ng Mommy niyo, hindi niya kayo minamadali. Valid ang nararamdaman niyong dalawa. Kung dumating man ang time na mag kakausap usap tayo, gusto naming sabihin niyo sa amin ang gusto niyong sabihin na hindi nakabase sa nararamdaman ko or nararamdaman ng Mommy niyo kundi galing sainyong dalawa." sunod sunod na sabi ni Khen.
"Naiintindihan po namin, Dad." rinig kong sabi ni Seke. "Yes, Dad." sang ayon naman ni Seve. "Tara na po, Dad." aya ni Seve. "Baka po nag aantay na po siya." sabi naman ni Seke.
Nag madali akong nag lakad pa alis, mabilis akong bumaba sa hagdan at hinanap si Kuya Zach.
"Kuya, ikaw na po bahala sa kanilang apat." sabi ko kay Kuya. Hindi ko na inantay na mag salita si Kuya, diri-diritso akong lumabas ng bahay.
Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa tabing dagat. Napaupo ako. Kinakabahan ako, nararamdaman kong mag kaiba ang mangyayari sa gusto kong mangyari.
Napaharap ako sa likod nang may nag lagay ng jacket sa balikat ko.
Si Khen.
"Nilalamig ka ba?" tanong niya. Inilingan ko naman siya. "Dito nalang tayo mag usap." dagdag niya.
"Anong pag uusapan natin?...I mean, pano natin sisimulan? Saan tayo mag sisimula?" sunod sunod na tanong niya.
"Pwede ko bang marinig yong plano mo kung sakaling wala kaming tatlo ngayon. At yong everyday routine niyo?" sabi ko sa kaniya.
"Plano?..wala naman. Kung hindi kayo umuwi?" humarap siya sa akin, inayos niya ang upo niya. Kaya ginaya ko nalang siya.
"Ang balak namin buong bakasyon...kaming tatlo nila Seve at Seke...balak lang namin mag bonding..every summer kasi may family bonding. Naka leave ako sa trabaho. Lahat na bonding ginagawa namin. Ngayon taon lang hindi namin nagawa." sunod sunod na sabi niya. "Ang nagawa lang namin ang pumunta dito sa beach house." dagdag niya.
"Routine namin everyday? Pag pasukan naman, ako nag hahanda ng almusal. Sabay sabay kaming umalis, hinahatid ko muna sila sa school nila bago ako pumunta sa company. Pag uwian naman, minsan sinusundo ko sila pag hindi ako busy or pag tapos na ako sa work ko. Minsan yong driver or yong mga kapatid mo or yong parents natin ang sumusundo sa kanila." pag kwekwento niya.
"Hindi sila agad umuwi sa bahay, pag yong kapatid or yong parents mo ang sumundo sa kanila. Doon ko sila kukunin sa bahay niyo. Pag sa family ko naman, doon ko naman sila kukunin." sabi niya pa.
"Hindi ba mahirap? Hindi ba sila nahihirapan sa ganoong sitwasyon?" tanong ko.
"Hindi naman, kasi sa bahay ng parents ko at parents mo. Nandon din ang mga kailangan nila. Like, pag uwi nila sa bahay ng parents mo...yong kwarto mo, nandon lahat ng kailangan nila. Nakakapag bihis sila, nakakapag aral. Lahat naman nagagawa nila katulad sa bahay namin. Pag masyadong late na, doon na sila natutulog...kaya naging tatlo ang bahay namin. Kaya madali lang para sa amin ang ganong set up." tugon niya.
"Kaya naging ganon yong set up namin kasi one time...pauwi na ako noon kaya lang na extend yong meeting ko tapos hindi agad ako naka uwi sa bahay. Nang hapon na yon, walang available na pwedeng kumuha or mag bantay sa kambal. Kaya hindi ko na pinag patuloy ang meeting. Umuwi agad ako, tapos traffic kaya mas natagalan ako. Buong byahe, naka video call kami. Kahit hindi nila sabihin, kita sa mukha nila na natatakot sila." mahabang kwento niya.
"Nasaan ang yaya nila?" wala silang yaya. "Bakit? Nasaan na yong yaya nila dati? Wala na? Bakit hindi ka nag hanap ng iba?" tanong ko.
"May trauma ako at si Seve at Seke sa yaya. Diba nong bumukod kami, ikaw ang unang naging yaya ng kambal. Nong umalis ka, nag hanap kami ng panibago. Nong una maayos naman, pero lumipas ang dalawang buwan. Nahalata kong laging nag kakapasa si Seve at Seke. Ang sabi ng yaya, lagi daw kasi silang natutumba. Pag tinatanong ko naman silang dalawa, ganon din sinasabi nila. Na natutumba nga sila. Nong una napaniwala ako hanggang sa sinubaybayan ko sila sa cctv. Doon ko nakita kong pano niya paluin ang kambal. Umuwi agad ako at nasaksihan ko...nakita ng dalawang mata kong pano sila pinapalo. Dahil lang ayaw nilang ubusin ang pag kain nila." mahabang kwento niya.
"Kaya ang sunod na yaya? ang kinuha kong yaya yong yaya sa bahay. Maayos naman ang mga ilang buwan, umabot siya ng tatlong buwan. Hanggang sa napansin kong nag kapasa si Seve, kinabahan agad ako. Ayokong pag isipan ng masama yong yaya, kasi galing sa bahay yon, kilalang kilala na namin siya. Hindi ako nakatiis, pinanood ko ang cctv...at ilang beses silang pinalo. Hindi sila masyadong pinapakain, hindi sila nakakapag laro ng maayos, sila mismo ang nag aayos ng mga laruan nila. Wala silang kalayaan, kaya pala halos ayaw na nila umuwi sa bahay. Akala ko nag tatampo lang sila kasi umaga at gabi lang kami nag kikita kita." pag kwekwento niya pa.
"Kaya, hindi na ako kumuha. Sa pag linis ng bahay at pag lalaba, pinapadala ni Mom ang iba naming yaya sa bahay every weekend." pag tatapos niya.
"Sa liit nilang yon, nagawa silang saktan." mahinang sabi ko. Sa mga oras na ito, parang gusto ko silang sugurin. Pano nila nagawa kay Seve at Seke yon. Pano nila nagagawa sa mga bata yon.
"Wag kang mag alala, naparusahan naman sila sa ginawa nila." sabi niya.
"Btw, ikaw? Anong balak mo sa pag uwi mo niyo dito?" Pag iiba niya.
"Bumalik sa inyo." agad kong sagot. Hindi agad siya nakapag salita, nakatingin lang siya sa akin.
"Yon lang naman ang reason ko kung bakit kami bumalik. Ang balikan kayo. Alam ko naman na ang kapal ng mukha ko para balikan kayo, pag katapos ng paulit ulit na pag iwan ko sainyo." sabi ko dahil hindi na siya nakapag salita.
"Ayoko naman na pilitin kayong tanggapin ako...pero gagawing ko ang lahat para mabuo tayo. Sana hayaan niyong mabawi ko ang tiwalang meron kayo sa akin. Hindi naman ako nag mamadali." dagdag ko.
"Diba sabi ko sayo na kung hindi ikaw, wag nalang. Kaya kahit ilang beses mo pa akong iwan at balikan, wala kang ibang gagawin kundi ang bumalik sa akin. Tatanggapin kita ng buong buo." hinawakan niya ang dalawang kamay ko matapos niyang mag salita.
"Gusto kong maging selfish at balikan ka....pero hindi ganon kadali dahil may mga anak na tayo, Seth. Okay lang sa akin na paulit ulit mo akong iwan, pero wag naman sa mga anak natin."
YOU ARE READING
STILL INTO YOU (INTO YOU S2) - ON-GOING
RandomI hated you so much, but i couldn't completely hate you at the same time. It was because of those memories we shared. No... Hindi about the memories, hindi lang about sa memories. Dahil mahal kita, kahit anong mangyari ikaw at ikaw pa rin. Kahit ano...