Wallace’s POV
The moment I saw her leave, I knew she was not feeling right. Nakita ko nalang nag-pupunas siya ng luha. I decided to follow her after a few minutes. But I was shocked nung makita kong tila may umaagaw sa bag niya lalo pa nung nakita kong dumudugo ang tagiliran niya. But even hurting, she still managed to smile. She still said she was okay.
“Thia!” niyugyog ko siya pero wala na siyang malay.
Then I heard a whistle, palapit na sa amin ang guard.
“Manong tulong, tu-tulong po, nasaksak siya.” hindi ko nadin alam ang gagawin ko. Tinulungan niya akong dalhin si Thia sa ospital. On the way there, I looked at her.
“Thia, konting tiis nalang, malapit na tayo sa ospital.” I said cuddling her. Her eyes were half closed. She is losing a lot of blood.
“Hmmn…” she was trying to say something pero tanging ungol lang ang nagagawa niya.
“Shhhh, Thia, it’s okay. It’s gonna be okay.” I whispered in her ear.
A few moments later we were at the hospital.
“Kaano-ano niyo po ang pasyente?” tanong sa akin ng nurse.
“Ah, kaibigan ko po.” Tugon ko. I looked at her bag na kanina ko pa hawak and searched for her cellphone. I need to inform her parents about this. I turned it on.
20 messages from Arkin.
Then suddenly an incoming call from him. Agad ko itong sinagot.
“Where the hell are you? Why did you turn off your phone? What…”
“Ark.” Di na niya naituloy ang sasabihin niya nang sumagot ako.
“Ace? Is that you? Bakit nasa iyo ang phone ni Thia? Where is she?” sunod-sunod na tanong niya.
“Ark. Something happened.” Sagot ko.
“What? What happened? Where is she?” tanong ulit niya.
“We are now here at the hospital. She was stabbed and…”
“Hospital? Stabbed? What? Where? When? Why?” hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita at halata sa boses niya ang pag-aalala.
“Relax Ark. Ang mabuti pa pumunta ka nalang dito sa ospital.”
“O-okay.” Mabilis niyang tugon and hung up.
Agad ko namang hinanap sa contacts ni Thia ang number ng parents niya o ng kapatid niya and informed them of what happened.
Few hours later…
“Guys!” niluwa ng pinto ang humahangos na si Drew.
“Shhhh. Huwag kang maingay.” Saway sa kanya ni Sheena.
Nandito kami ngayon sa ospital. Sa room ni Thia. It’s been almost 10 hours. Hindi pa siya gising mula sa operation. Nakaupo lang si Arkin sa gilid. Halatang alalang-alala siya. Nasa tabi naman ni Thia ang mama niya at kapatid niya.
“Naku mga iho. Ang mabuti pa mag-meryenda na muna kayo. Ang sabi naman ng doctor hindi pa siya gising dahil sa anesthesia. Pero okay naman na siya.” wika ng mama niya.
“Sino ba kasing maysabing makipag-agawan siya sa magnanakaw eh. Ayan tuloy. Minsan talaga out of place ang pagiging matapang niya.” wika ni Sheena.
Tinignan ko si Arkin, tahimik parin siya.
“Mabuti nalang dumating si Wallace. Kundi baka kung ano pang nagawa nung magnanakaw sa kanya.” Wika pa ni Sheena.
BINABASA MO ANG
T.L. Ako Sa'yo
RomanceNaniniwala ka ba sa true love? Ano nga ba ang true love? Sino ang true love mo? This is the story of the cold-hearted guy Arkin, the sassy girl Thia, and the guy who doesn't know how to frown, Wallace on their journey on finding what you call TRUE L...