Chapter 4 (Ang doorknob)

851 22 0
                                    

Thia’s POV

          Nakakainis naman, ang daming tao dito sa gym. Maingay tuloy. Di kami makapagpraktis ng maigi. Malapit na ang intramurals kaya kailangan din naming magpraktis. Champion kami nung freshmen kami sa women’s basketball kaya dapat ngayon champion ulit kami. Pero di kami makapagpraktis ng maigi kasi nga may mga taong nagdedecorate ng stage.

“Oh eto, tubig mo.” Wika ni Sheena. Marahil parehas kami ng ugali ni Sheena pero magkaiba kami ng hilig. Siya mas hilig ang arts. Kaya sa photojournalism siya, ako naman sa sports.

“Hay, di kami makapraktis ng maigi, ang daming tao.”

“Ah, oo nga pala, may benefit concert kasi sa Sabado. Fundraising activity ng seniors. Mga local bands ang pupunta, tapos magpe-perform din yung ibang banda ng school. 100 pesos daw ang ticket eh. Tara, samahan mo ako. Kailangan kong magdocumentation.”

“Eh, ang mahal naman.” Tugon ko.

“At least mapupunta sa charity yung pera mo. Nag-enjoy ka na, nakatulong ka pa. O diba?”

“Sige na nga. Pero ikaw magbayad ha, may utang ka pa sa akin.”

“Naku, oo na. Teka, kinontak ka na ba ni Wallace?” tanong ni Sheena habang hawak-hawak ang camera niya.

“Huh? Hindi pa.”

“Uy, hinihintay niya.” tukso ni Sheena.

“Hindi ah.”

“Bakit di mo nalang itext? Tutal may number ka naman niya.”

“Ano ka ba? Ibibigay na nga niya ng libre yung libro tapos ako pa tong mangungulit? Hayaan mo na. Maghahanap nalang ulit ako sa ibang bookstore. At sisiguraduhin kong wala na akong makakaagaw.”

“Hahaha, in fairness ha. Nagresearch ako tungkol kay Wallace. Classmate niya yung isang kasama ko sa school paper. Eh etong si Wallace daw ang salutatorian nila. Tapos yung Arkin, yun yung valedictorian. At bestfriends daw yung dalawa. Akalain mo yun?”

“Ha? Yung ugok na yun valedictorian?” tanong ko. Kaya pala mukhang mayabang at mapride eh. Tsk.

“Oo, yun naman ang sabi nila. At sila pala ang in charge sa event na to. Malay mo makita natin sila dito.” Wika niya at iginala ang paningin.

“Alam mo ikaw Sheena, mabuti pa, pumunta ka na sa office niyo at siguradong hinahanap ka na. Pagkatapos ng praktis namin uuwi nadin ako.” Wika ko. Baka mamaya kung saan saan na naman mapunta usapan.

“Sige, bruha ka, una na nga ako. May extra pang tubig diyan sa plastic.” Wika niya at kumakaway na umalis. Agad naman akong nagpatuloy sa praktis.

          Almost 7 p.m. na nang matapos kami sa praktis. Unahan na naman kami sa CR para magbihis. Mabuti nalang at si mama na ang sumundo sa dwende kong kapatid. Kailangan ko nang magmadali. Baka hindi ako umabot sa dinner namin. Magagalit si mama. Naghanap nalang ako ng pwedeng pagbihisan sa tabi-tabi. Ayun may isang room. Madilim at mukhang wala namang tao. Okay na dito. Di ko na kailangan iilaw. Isasara ko nalang itong pinto. Nagsimula na akong magbihis. Nilalagay ko na ang pantalon ko nang biglang magbukas ang ilaw.

Ha? Sinong magbubukas nun? Agad akong tumingin sa paligid. At sa gilid ay may lalaking nakatayo. Dalawang beses akong kumurap until I realized the  situation. Naka-t-shirt at panty palang ako. Hindi ko pa nasusuot yung pantalon ko.

“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!”

Sigaw ko. Natigilan lang ako nang marealize ko kung sino iyon. Si Mr. Sungit! Yung Arkin!

“Huwaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!”

T.L. Ako Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon