Thia’s POV
As I promised, nagdala ako ng luto ni mamang na ginatan sa school at saka nagdala narin ako ng panlinis ng sugat. Nahihiya ako sa lola niya kagabi. Yung itsura kasi ni Arkin parang kawawang kawawa. Para tuloy siyang nabugbog. Susubukan ko nalang bumawi by being nice to him. Baka sakaling hindi na siya magalit sa akin. Mabuti at mukhang wala siya sa mood awayin at sisihin ako.
“Naku kung araw-araw ba namang ganito edi solb.” Wika ni Drew.
“Ikaw talaga Drew. Don’t mind him.” wika naman ni Wallace.
“Teka hindi mo ba kasama si Sheena?”
“Ah hindi nasa classroom na siya. Dumiretso na ako dito para ibigay ito bago pumunta sa classroom.” Sagot ko.
“Then just go, wanna be late?” wika ni Arkin. Hay hindi ko na alam kung paano ba i-please itong lalaking ito. Wala nang tatalo sa kasungitan niya.
“Sige, aalis na ako.” tugon ko nalang at baka kung ano na namang masabi ko sa kanya. Kawawa na yung itsura niya para awayin ko pa.
“Ihatid na kita.” Wika ni Wallace.
“No okay lang.” tugon ko kung anong binait ni Wallace siya namang kinasama ng ugali ni Arkin. Paano sila naging magbestfriend? They’re totally different. They’re like worlds apart.
“Sigurado ka?” tanong ulit ni Wallace.
“Wag nang pilitin ang ayaw.” Singit ni Arkin. Tinignan ko na siya ng masama. Ang sama talaga ng ugali nito. Nung nagpamigay si Lord ng pagiging gentleman si Wallace na lahat ang nakasalo.
“Hindi Wallace. Okay lang talaga ako at saka baka ma-late ka lang.”
“Ganun ba. Sige, mag-iingat ka ha. Salamat ulit sa ginatan.” Nakangiting wika ni Wallace. Sana alisin nalang niya yung glasses niya. Mas cute siya kapag walang glasses eh, parang nung event, ang cool lang niyang tignan.
“Salamat.” Wika k okay Wallace tapos binalingan ko ng tingin si Arkin. Tsk, kahit paano responsibilidad ko paring panagutan yung nangyari sa kanya. Tiis-tiis muna Thia. Kaya mo yan. Lunok pride muna. “Text mo lang ako kung may kailangan ka.” Wika ko nalang kay Arkin as I walked pass him. Hindi siya sumagot. Bahala siya. Basta ako I’m doing my part. Haay, siyempre nakokonsiyensya ako. I looked at my wrist watch naku kailangan ko nang magmadali. Takbo! Hinihingal akong dumating sa classroom tapos hinarang ako ni Sheena sa may pintuan.
“Ano?” naiirita kong sabi.
“Ano na namang nangyari kay Arkin?” tanong niya.
“Paano mo naman nalaman?”
“Sinabi ni Drew.”
Tinitigan ko lang siya. Tapos napangiti ako.
“Ano yang ngiting yan?” tanong niya.
“Wala, kayong dalawa, anong meron sa inyo? Kayo na ba?”
“Oiy Thiang, wag mong ibahin ang usapan ang tinatanong ko eh kung anong ginawa mo kay Arkin.” wika niya.
“Excuse me, hindi ko na kasalanan yung nangyari sa kanya. Hindi ako ang nagbato ng bola no. Hindi lang siya marunong umiwas sa bola.” Tong babaeng ito.
“Pero napansin ko lang ha. Parang laging napapahamak si Arkin dahil sa iyo.” Wika niya.
“Diyos ko, pati ba naman ikaw, pareho kayo ni Arkin na ganyan iniisip. Hindi ko nga kasalanan yung mga nangyari. Malay ko ba na hindi pala siya marunong umiwas sa lumilipad na bola.”
BINABASA MO ANG
T.L. Ako Sa'yo
RomanceNaniniwala ka ba sa true love? Ano nga ba ang true love? Sino ang true love mo? This is the story of the cold-hearted guy Arkin, the sassy girl Thia, and the guy who doesn't know how to frown, Wallace on their journey on finding what you call TRUE L...
