Thia’s POV
“Come in guys.” Wika ni Drew habang papasok kami sa resthouse nila. Wow, ang ganda ng bahay. Tatlong palapag ata. Tapos dun sa may balkonahe, kitang-kita ang karagatan.
“Wow, it’s been a while nang huli tayong pumunta dito.” Wika ni Lian at umupo sa sofa. Sumunod namang pumasok sina Arkin at Wallace hawak ang mga gamit naming lahat.
“Drew, wala ka bang balak tulungan kami sa mga gamit?” tanong ni Arkin.
“Kaya niyo na yan guys.” Tugon ni Drew.
“Ikaw ang tamad-tamad mo, tumulong ka nga.” Saway ni Sheena.
“Opo boss.” Tugon ni Drew at lumabas para kunin yung natitirang gamit.
“Okay lang ba kayo?” tanong ni Arkin sa amin.
“Ah, oo. Ang ganda pala dito. Thank you sa pag-invite sa amin.” Tugon ko tapos napatingin ako sa pintuan kung saan nakatayo yung dwende kong kapatid nilalaro na naman cellphone niya. naku!!!!
“PJ okay ka lang?” tanong naman ni Arkin sa kanya.
“Okay lang naman. Kaso medyo mahina signal dito.” Tugon ni PJ.
Agad ko siyang nilapitan tapos hinawakan ko braso niya.
“Oiy ikaw, huwag ka ngang mareklamo, mahiya ka naman. Bisita lang tayo dito.”
“Inaano ba kita?” tanong niya pa. Grrrr. Nakatingin lang si Arkin sa amin.
“Magiging amazona ka na naman ba ngayong kasama mo kapatid mo?” tanong niya.
Sinimangutan ko lang siya. Tapos papasok naman si Drew bitbit ang mga ibang gamit.
“So what’s the plan?” tanong ni Lian.
“Well, I’ve prepared a really nice plan for us to do.” Wika ni Drew looking at PJ.
“Drew be sure na wholesome yang mga gagawin mo ah. remember, may bata tayong kasama.” Wika ni Wallace.
“Hindi na ako bata.” Tugon ni PJ.
Agad ko namang tinakpan ang bibig ng kapatid ko. Baka kung anu-ano na namang sabihin niya.
“Pagpasiyensahan niyo na kapatid ko. Ganyan lang talaga yan.” Wika ko.
“Okay, ayusin muna natin yung mga gamit natin. The rooms in the third floor, dun ang mga babae, sa second floor naman ang mga lalaki.” Wika ni Drew. “Pero tig-tatlo lang pala ang kuwarto. Since apat kaming lalaki, someone must share.”
“Ah, hindi okay lang. kahit kasama ko na kapatid ko sa kuwarto.” Wika ko.
“Yuck, ayoko nga.” Reklamo ni PJ, tinitigan ko siya giving the talk-back-and-you’re-dead look.
“No it’s okay, he can share the room with me.” wika ni Arkin. Tapos tinitigan ko siya.
“Pero…”
“Wala nang pero-pero.” Wika naman ni PJ at kinuha ang bag at umakyat na sa taas. Huwaaah. Bakit ba ako binigyan ng ganitong kapatid!
“Aba!” susundan ko sana siya pero pinigilan ako ni Arkin.
“It’s okay. Thia, nagbibinata na yang kapatid mo, of course he wouldn’t want to sleep with his sister, who is his number one enemy.” Nakangiti niyang wika.
Inirapan ko lang siya.
“Sige, mauna na kayong mag-ayos sa itaas, aayusin ko lang ang mga dala nating food, baka mapanis.” Wika naman ni Lian at nagtungo sa kusina.
BINABASA MO ANG
T.L. Ako Sa'yo
RomantikNaniniwala ka ba sa true love? Ano nga ba ang true love? Sino ang true love mo? This is the story of the cold-hearted guy Arkin, the sassy girl Thia, and the guy who doesn't know how to frown, Wallace on their journey on finding what you call TRUE L...
