Thia's POV
Maaga akong pumasok sa school. Sabi kasi ni Arkin magkita muna kami bago ang klase. Ano naman kayang problema nun. Hmmmn. Nadatnan ko siya sa gate.
"Hey troublemaker." Bati niya. Nakasandal siya sa wall habang nakabulsa ang dalawang kamay niya. Ang guwapo talaga nitong boyfriend ko bakit ngayon ko lang narealize?
"Problema mo?" tanong ko. Kasi nakangiti lang siya parang baliw.
"You are 2 minutes and 30 seconds late. Sabi ko diba 7 dapat nandito ka na?" wika niya. Nasa gilid lang kami habang ang mga tao sa paligid rush hour ang peg.
"Excuse me, 7 palang sa relos ko noh. Advanced lang yang sayo." Wika ko. ngumiti siya ulit.
"Ang sungit naman ng girlfriend ko."
...ng girlfriend ko."
...ng girlfriend ko."
...ng girlfriend ko."
Kyaaaah. Pwedeng freeze muna ang world at ilalabas ko lang itong kilig na nararamdaman ko?
Kyaaaaah. Ang sarap palang pakinggan.
"Tsk. Eh paano ang aga-aga pinapairalan mo ako niyang pagka-authoritative mo." Reklamo ko.
"Anong magagawa ko? Ayoko sa lahat yung late." Wika niya pa.
"Tsk. Wala naman tayong rules na ganyan ah."
"Rules? So do we need rules?" tanong niya.
"Aba, oo naman."
"And why is that miss troublemaker?" tanong niya.
"Kasi, masyado kang authoritative, ayokong ginagamitan mo ako niyang mga kasungitan mo."
"So anong rules naman ang gusto mo miss troublemaker?" tanong niya ulit. yung smile niya naging smirk na.
Nilabas ko yung diary ko.
"What is that?" tanong niya pa.
"Isusulat ko ang rules, para hindi makalimutan."
"Tsk. You're crazy." Wika niya. Tapos nagsimula na akong magsulat.
"Rule number one, I should always be happy."
"What kind of rule is that?" angal niya.
"Walang angal, angal." Tugon ko.
"How about me? How about my happiness?" tanong niya ulit. Itong lalaking ito, hindi talaga papahuli eh.
"Tsk, diba nga sabi nila, behind every successful man is a woman."
"So anong koneksyon niyan sa rule number one mo?" tinaasan niya ako ng kilay.
"It means, kapag masaya ang babae ibig sabihin masaya din ang lalaki, kaya ang priority ay ang babae."
"That's ridiculous!" ang epic ng mukha niya. Eh wala siyang magagawa.
"Bakit may angal?" tanong ko.
"Whatever!" pokerface niyang wika.
"Rule number two, if you have any objections, always refer to number one." Wika ko tapos nangunot ang noo niya.
"Ngayon, you are imposing rules huh." Ang tamis ng ngiti niya. Gusto kong kurutin ang pisngi niya.
"Dapat lang bakit may angal ka?" tanong ko.
"Wala po boss." Tugon niya.
"Okay, then sign here." Wika ko tapos inabot ko yung ballpen at diary sa kanya.
BINABASA MO ANG
T.L. Ako Sa'yo
RomanceNaniniwala ka ba sa true love? Ano nga ba ang true love? Sino ang true love mo? This is the story of the cold-hearted guy Arkin, the sassy girl Thia, and the guy who doesn't know how to frown, Wallace on their journey on finding what you call TRUE L...