Chapter 41 (LQ)

501 18 0
                                    

Thia’s POV

Yahoo, February na. Bale six months na kami ni Arkin. Whoah. Akalain mo yun? Di ko akalaing matatagalan namin ang isa’t-isa considering the fact na nung una ay halos isumpa ko siya. Siyempre may tawag dun L-O-V-E. (^_______^)

Kanina ko pa siya hinihintay dito sa tambayan namin dito sa oval. Foundation day ngayon kaya busy lahat ng tao. Maraming booth dito. Kung anu-anong booths. Pero ang mas masaya maraming pagkain. Yahoo. Ako na ang matakaw. Humiga nalang ako sa damuhan. Pinikit ko mga mata ko.

“Bakit ba lagi ka nalang humihiga sa kung saan-saan?” bigla kong narinig. Minulat ko mata ko tapos ayun mukha agad ni Arkin ang tumambad sa akin, parang 5 inches lang ang distance ng mga mukha namin.

Blink. Blink. Blink.

“Eh ang tagal mo eh. Ilang minuto na kaya ako dito. At saka inaantok ako eh. Bakit bawal ba?” tanong ko.

“Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag kang matutulog sa kung saan-saan?” wika parin niya. Aba siya pa ang galit kahit siya ang late?

“Eh sa inaantok nga ako.”

“Paano kung may biglang manamantala sayo habang natutulog ka?” tanong parin niya. Ay nasa mood makipag-away.

“Eh wala namang tao dito ah.” sige Thia, inisin mo pa lalo.

“Kahit pa. Paano kung may biglang dumating?”

“Eh ikaw, akala ko ba ayaw mo ng nale-late. Bakit ikaw late?” tanong ko sabay bangon.

“I told you I did something.” Sagot niya at umupo din siya sa damuhan.

Tsk. Gagalit-galit siya naman ang late.” Bulong ko.

“What?” tanong niya. Ang sungit talaga nito. Ganito siya kapag bad trip sa class o stressed.

“Wala. Sabi ko eto kain na tayo. Gutom lang yan.” Wika ko sabay labas ng packed lunch ko.

Agad naman siyang umupo sa tabi ko at tinulungan akong ihanda yung pagkain.

“Kain.” Wika ko sabay subo sa kanya yung favorite niyang luto ni mama na adobo. Pero tinitigan lang niya ako.

“Just go ahead.” Wika niya. Nakasimangot parin.

“Ano bang problema? Bakit nakasimangot ka na naman?” tanong ko.

“Nothing.” Tugon niya. “Pagod lang ako.”

Agad ko siyang hinarap. Tapos kinurot ko pisngi niya.

“Ouch.” Wika niya sabay hawak sa kamay ko.

“Yan. Lagi mo akong sinisimangutan eh. Ang ganda-ganda ng araw nakasimangot ka.” He glared at me. Hinawakan ko ulit pisngi niya tapos nilaro ko. “Smile na. Smile!” wika ko.

“Thia stop it.”

“Hindi. Smile ka muna.” Wika ko tapos nag-fake smile siya. Tsk. Etong lalaking ito ang mahal ng smile. “Hindi naman yan smile eh.” Wika ko. Kinurot-kurot ko pa yung pisngi niya.

“Thia I said stop!” wika niya, parang pasigaw na. Yung tingin niya ang seryoso. Talagang mukhang bad mood siya ngayon.

“Hmf. Tinawag-tawag mo ako dito tapos susungitan mo lang ako. Diyan ka na nga!” nakakainis na eh.

Agad kong kinuha bag ko tapos tumayo na ako at nagmamadaling naglakad palayo sa kanya. Bahala siya sa buhay niya. Tapos naalala ko yung Tupperware ni mama! Naku! Babalik sana ako kaso ayoko. Inunahan na ako ng pride ko. Siguro naman hindi niya itatapon yung mga Tupperware. Basta bahala na siya.

T.L. Ako Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon