Thia’s POV
Hinawakan niya ang kamay ko, tapos tinignan niya ako sa mata. Nangungusap ang mga mata niya, yung pilikmata niya, yung labi niya. humawak siya sa beywang ko at nagsimula kaming sumayaw. Malumanay ang musika. I closed my eyes, embraced him, leaned my head on his shoulder. His scent is like a drug to me. Yung yakap niya, I feel so secured. I feel I’m at my best at this moment.
“Thiaaaaaaaaaaaaaang!”
Minulat ko ang mga mata ko. All I saw was the ceiling. Ha? Napabalikwas ako at muntik na akong mahulog sa sofa. Nasa sofa pala ako. Panaginip lang pala yun. Ano ba yan!
“Mamang naman, nakakagulat ka!”
“Thiang, diba sabi ko sa iyo, hugasan mo muna yung mga pinagkainan natin bago kayo umalis? Bakit natutulog ka na naman diyan? Anong oras na? Male-late na naman kayo ng kapatid mo.”
“Tamad tamad kasi nito.” Singit ng dwende kong kapatid habang hawak ang cellphone niya. 12 years old lang siya pero parang kaedad ko lang pag kinakausap ako. Sarap sapakin.
“Eh mamang, di ba pwedeng si dwende nalang maghugas? Ako nalang lagi.” Wika ko with pouty lips.
“Hay naku ikaw bata ka. Dalian mo na. Malelate na kayo sa school pag di mo binilisan.” Wika ni mamang.
“Exactly mamang, pag naghugas pa ako ng pinagkainan, malelate na kami sa school.” Masubukan nga baka makalusot. Inaantok pa ako. Nagbasa kasi ako ng nobela kagabi.
“Thiang, bilisan mo na at marami pa akong gagawin.” Wika ni mamang. Hmmn, ang bango ng niluluto niya. magaling magluto si mamang eh. Buti nalang kahit matakaw ako hindi ako tumataba.
“Opo.” Maikli kong tugon. Pinangdilatan naman ako ng dwende kong kapatid.
“May oras ka rin sakin.” Wika ko.
“Sige nga!” wika pa niya.
“Aba talagang!” akma ko na siyang hahampasin nang napatingin si mamang sa amin. Dali-dali naman akong nagtungo sa kusina at baka nga malate na nga kami.
Nang nasa school na kami. Sinamahan ko pa ang kapatid ko sa classroom niya. Ewan ko ba kay mamang. Gusto niya parang bata parin ang turing sa kapatid ko. Ayaw niyang magcommute ng mag-isa baka daw mawala.
“Oi PJ!” wika ko sa kapatid ko na panay ang laro sa kanyang cellphone. Hawak ko pa yung kanyang bag na ang daming libro. Mukha tuloy akong yaya niya.
“Bakit baboy?” tanong niya saka inayos ang salamin. Lumabo ang mata kaka-computer. Pero in fairview matalino din naman siya. Valedictorian nga siya eh. Mana siya kay papa.
“Hoy, sinabi nang wag mo akong tatawaging baboy!”
“Eh anong itatawag ko sayo? Biik?” tanong pa nito.
“Alam mo ikaw, kahit kelan panira ka ng araw.”
“Bakit inaano ba kita? At saka di mo na ako kelangang ihatid sa classroom. Ano ako kindergarten? Grade 6 na ako noh.” Wika ni PJ na nakatutok parin sa cellphone niya.
“Oo, grade 6 ka nga, pero mukha ka namang kindergarten!” Tinitigan niya ako ng matalim. “Magkita tayo mamaya sa dating tagpuan. Kapag wala ka pa doon after 30 minutes ng paghihintay ko, lagot ka kay mamang. Umuwi ka magisa mo.” Wika ko.
“Eh, kaya ko namang umuwi mag-isa ko. Lumayas ka na nga!” tugon niya at iniwan na ako sa quadrangle.
Villarama University ang pangalan ng school namin. From nursery to college. Malaking school ito at maganda. Malayong malayo nga lang ang high school department mula sa elementary. Tapos magkakaibang building per year level. Siguro may tatlong building ang sophomores na tig-apat na floor. Malawak ang oval. Agad naman akong nagmadaling pumunta sa high school department. Baka mamaya malate pa ako. Nagtatatakbo ako, kasi nasa fourth floor pa yung classroom namin. May 5 minutes pa ako. Naku, pag nalate ako mawa-warningan na ako. Kung bakit pa naman kasi kelangan ko pang ihatid yung dwende na iyon.

BINABASA MO ANG
T.L. Ako Sa'yo
RomanceNaniniwala ka ba sa true love? Ano nga ba ang true love? Sino ang true love mo? This is the story of the cold-hearted guy Arkin, the sassy girl Thia, and the guy who doesn't know how to frown, Wallace on their journey on finding what you call TRUE L...