Chapter 5 (Miss Troublemaker)

878 24 0
                                    

Thia’s POV

“Thiaaang! Gising na, alas sais na, gusto mo bang malate?” narinig kong boses ni mamang. Ha? alas sais na? Agad kong kinuha ang cellphone ko. Naku, alas sais na nga. Hmmn, teka may message ako. Unknown number.

<Hi, good morning. I’m sorry kung ngayon lang ako nagtext. Regarding sa book, you can get it later. Dadalhin ko sa school. Just text me kung what time ka available.>

          Si Wallace? Ay oo nga pala. Di ko pa pala sinave yung number niya. Agad kong sinave iyon. Hmmn. Wallace (Mr. Nerd) Hernandez. Maya-maya may tumatawag. Ha? Si Wallace. Agad ko iyong sinagot.

<H-hello.>

<Good morning. Thia?> tanong niya.

<Ah, o-oo.>

<Ah, akala ko kasi mali yung number na natextan ko. Di ka kasi nagreply eh.> Ay, kailangan ko palang magreply?

<Ah, eh, sorry, kakagising ko lang kasi.>

<Ah, see, pasensiya ka na ha, busy kasi kami sa event sa Satureday kaya nawala sa isip ko yung tungkol sa libro.>

<Ah, okay lang. Ah, s-sige, pupuntahan ko nalang sa classroom niyo mamaya yung libro. Salamat ulit ha.>

<You’re very welcome Thia. See you later.> wika niya.

<Sige, salamat ulit ha.> and then he hung up. Wow, ang ganda pala ng boses niya. Ngayon ko lang narealize. Napakamalumanay, tapos parang DJ sa radio. Yun bang malamig pero soothing. Ha? ano ba yan. Makaligo na nga. Kung anu-ano na naman ang iniisip ko.

Wallace’s POV

          Andito na ako sa school. Kanina ko pa tinitignan itong librong ito. Yung ibibigay ka kay Thia. That cute gurl. May pag-kafierce. The first time I saw her, I found her really cute and pretty too. She has this very angelic face but her eyes were like burning with passion or something. Siya yung hindi mo agad mapapansin sa crowd, but she is rare. I can’t help but smile everytime I think of her.

“Ace!” wika ni Drew, sinigaw niya yun sa tenga ko. Dumating na pala ang iba kong kaklase. Di ko manlang napansin.

“Hey.”

“Anong ngini-ngiti-ngiti mo diyan? Para kang baliw.” Wika niya.

“Ah, wala.”

“The book, ibibigay mo talaga yan sa kanya?” tanong naman ni Arkin na nasa tabi ko nadin pala.

“Ah, y-yes.” Sagot ko.

“Ha? What book? Patingin.” Wika ni Drew and he snatched the book out of my hands.

“Hey.”

“Oh, itong librong ‘to, unang araw palang na narelease pinilahan mo na. Ibibigay mo? Kanino?” tanong naman ni Drew.

“To that trouble-maker.” Wika ni Arkin. Bakit ba parang ang bigat bigat ng loob niya kay Thia. I just smiled.

“Arkin, just let her be. Tapos na ang issue niyo about the book. Masyado na yatang mainit ulo mo sa kanya.”

“Huh? Sino ba?” naguguluhan parin si Drew.

“Hindi mainit ang ulo ko sa kanya.” Wika ni Arkin.

“Sino nga?” tanong parin ni Drew.

“Si Thia.” Sagot ko.

“Thia who?” tanong ni Drew.

T.L. Ako Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon