Chapter 2 (Smiling face)

1.1K 23 1
                                    

Sheena’s POV

Hay, isang boring na weekend na naman. At heto andito ako kina Thia.

“Oh, heto Sheena, magmeryenda ka muna. Inutusan ko kasi si Thiang sa tindahan. Babalik din yun mamaya.” Wika ni tita Sofia. Magaling talagang magluto si tita. Kaya gustong-gusto kong pumupunta dito. Plain housewife si tita samantalang ang papa nila Thia ay isang engineer. Di ko nga lang madalas makita kasi minsan out of town. Napansin kong nag-iba na naman pala ang kusina nila. Parang lagi nalang narerenovate.

“Okay po tita. Salamat po.”

“Oh, andito ka na naman. Ano na naman ang gagawin niyo ni Thianak?” tanong ni PJ habang nilalaro cellphone niya. Naku, itong batang ito, pati ako dinadamay sa pag-bubully sa ate niya. Sarap tirisin nito.

“Hay naku PJ, wag ka nang magtanong.” Tugon ko.

“Anong wag magtanung, eh kahapon muntik niyo na akong makalimutan. San ba kayo nagpunta kahapon at pinaghintay niyo ako ng 30 minutes?”

“Bakit ba? Ang importante nakarating kami agad okay?” kulit talaga nitong batang ‘to.

“Sige kayo, isusumbong ko kayo kay mama.” Wika nito at akmang tatayo na.

“Sinong isusumbong mo aber?” wika ni Thia hawak hawak ang damit ng kapatid.

“Sasabihin ko kay mama na late kayong dumating kahapon sa tagpuan natin. Sasabihin kong may pinuntahan kayo kaya nalate kayo.” Tugon ni PJ sabay dilat.

“Wala kang isusumbong dahil may alam din akong lihim mo.” Wika ni Thia na may hawak na papel.

“Teka ano yan?” tanong ko habang nilalantakan yung ginataan na handa ni tita Sofia.

“Nakita ko ito sa kuwarto mo, hahaha. Love letter mo kay Princess!” wika ni Thia. Bahagyang namula ang pisngi ni PJ.

“Naku, ‘tong batang ‘to. Ang bata-bata mo pa.” wika ko. Tinitigan naman niya ako ng masama.

“Let’s make a deal okay? Hindi mo sasabihin kay mamang na nalate kami kahapon at hindi ko din ipapakita kay mamang ang sulat na ito.”

“May araw ka rin sa akin.” Wika ni PJ at nagtatatakbong umalis.

“Oh, bakit mo ako pinapunta dito? Wala naman tayong assignment diba?” tanong ko.

“Yung diary ko.” Alalang-alala parin si Thia. Siguro nga importante talaga sa kanya ang mga sinulat niya sa diary niya. Eh maski ako di ko pa nababasa ni isang letra dun eh.

“Eh, anong magagawa natin, walang pasok ngayon. Hintayin mo ang Lunes.”

“Paano kung nabasa na niya yun? Paano kung ipagkalat niya iyon? Wala na akong privacy. Ano nalang matitira sa akin?” ang OA naman nito.

“Ang drama mo bruha ka. Aanhin naman niya yung diary mo? As if he cares.” Tugon ko.

“Salamat ha. Napakasupportive mo talaga.” Wika niya. Maya-maya ay may nagdoorbell.

“Thiang! Tignan mo nga kung sino yun? Wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Baka kaklase mo.” Sigaw ni tita mula sa kusina. Naaamoy ko na ang lunch namin. Oo, isa po akong dakilang palamunin.

“Ano ba yan.” Angal ni Thia at nakasimangot na nagtungo sa pintuan at binuksan iyon. Pero pagkabukas nun para na siyang estatwa sa kinatatayuan niya. Huh? Anyare?

Thia’s POV

“Thiang! Tignan mo nga kung sino yun? Wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Baka kaklase mo.” Sigaw ni mama mula sa kusina.

T.L. Ako Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon