Thia’s POV
Magagaling ang mga kalaban namin. Ang galing nilang dumipensa lalo na yung nagbabantay sa akin. Tinignan ko ang oras, last two minutes nalang. Dalawa nalang ang lamang nila sa amin. Kailangan na naming pumuntos. Tumatakbo kami papunta sa court namin. This time kailangang makapuntos kami. Pinasa sa akin ang bola. Naungusan ko yung nagbabantay sa akin, sakto pagkakataon ko nang makapuntos. Tumalon na ako sana ma-shoot ang bola please. Tapos biglang naramdaman kong may pumalo sa braso ko mula sa likod. Ah, aray ang sakit. Narinig kong pumito ang referee, yes may foul. Nabitawan ko na ang bola tinignan ko ito malapit na ito sa ring. Naku sana ma-shoot, sana ma-shoot. Tapos nagpa-ikot-ikot ito sa ring huwaaaah! Tapos ayun pasok na! huwaaah! Tapos bumagsak na ako sa floor. Hindi ko namalayang hindi pala maayos ang pagkakabagsak ko at nadali ang paa ko. Ouch. Ang sakit. Narinig ko ang hiyawan ng mga tao nang inianunsyo nilang pasok yung tira ko. Pero ang sakit parin ng paa ko. Aray ko po. Sana hindi ito malala. Sana sprain lang. hinawakan ko ito, ang sakit talaga. huwaaah. Napapikit ako sa sakit. Nakita kong nakapaligid na sa akin ang mga kateam ko. Tapos naramdaman kong may bumuhat sa akin.
“Ouch. Aray.” Wika ko nang magalaw yung paa ko. Ang sakit talaga, pero pagmulat ko ng mata ko at nakita ko kung sinong bumuhat sa akin, parang tumalon ang puso ko. Huwaaaah! Si Arkin! Tapos naglalakad na siya papunta sa bench namin. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Masakit parin yung paa ko. Nakita ko lang nakasunod yung mga kasama ko. Eish. Mamaya ko na poproblemahin tong lalaking to. Masakit talaga paa ko. Pagdating sa bench, dahan-dahan niya akong pinaupo.
“Thia okay ka lang?” tanong ni Sheena, pasigaw. Sa tenga ko.
“Oo.” Maikli kong sagot.
“Hala, nabalian ka ba? Kailangan ka bang dalhin sa ospital?” tila nagpapanic siya. OA naman nitong babaeng ito.
“Okay lang siya, sprain lang ito.” Nagsalita si Arkin. huwaaah, nandito pa pala siya. At hawak-hawak niya yung paa ko. Huwaaah!
“Arkin andito ka pala.” Narinig ko ring wika ni Drew. Nakalapit na sila sa kinaroroonan ko. Ay hindi, malapit pala talaga sila. Pati sina Wallace at Lian nakatingin sa akin, sa amin. Eish, hawak parin ni Arkin yung paa ko. Huwaaah! Bitawan mo na ako!
“Yeah, I just happened to drop by and she fell infront of me kaya binuhat ko na siya since hindi naman siya mabuhat ng mga kateam niya.” paliwanag niya. ah, mabuti naman at malinaw. Teka, kelan pa naging mabait itong lalaking ito? Parang kelan lang nung sinabi niyang wag na akong magpapakita sa kanya tapos ngayon bigla siyang susulpot? Baka mamaya niyan may mangyari na naman sa kanya ako na naman ang may kasalanan.
“Oh see.” Wika ni Drew.
“Sigurado kang okay ka lang?” tanong ulit ni Sheena tapos hinawakan din niya yung paa ko. Araaay! Itong babaeng ito talaga!
Tapos dumating na yung mag-first aid sa akin. Si Arkin naman biglang umalis. Ha? saan siya pupunta? Habang busy yung nurse sa pagfirst aid hindi ko naririnig sinasabi niya. Nakatingin lang ako kay Arkin paalis na siya ng gym. Tapos nakita kong tumayo si Wallace sa harap ko blocking the view of Arkin.
“Okay ka lang?” tanong niya with his ever killer smile.
“Ha, ah, oo.” Sagot ko.
“Wow, ang galing mo.” Wika ni Drew.
“Salamat.” Wika ko nalang. Narinig na namin ang pito ng referee. Tinuloy na nila yung laro without me. Sana manalo sila. Si sheena naman patuloy sa pagkuha ng pictures.
Arkin’s POV
Pauwi na sana ko. Tapos ko naman na lahat ng requirements namin. Malapit na ang finals kaya marami na namang requirements. Mag-isa ko lang, sina Drew at Ace kasi manunuod daw ng basketball, game ni Thia. They asked for me to come but I said I’m busy. Bakit naman ako manunuod ng game niya? Baka mamaya may mangyari na naman sakin. Magaling na yung braso ko. Ayoko na ng further injury. As I walked pass the gym, narinig ko ang hiyawan ng mga tao. Madaming tao, I didn’t know marami din palang estudyante ang mahilig manuod ng ganito. I mean, I’m not an athlete. I never watched any basketball game eversince first year. I just entered. Then I saw Thia playing. My eyes were focused on her. She looks so cute on her jersey. Her face looks determined. Even though she is sweaty, she still looks so fresh and adorable. It’s been a long time since I last saw her. I can’t stop thinking of her. I don’t know why. I watched silently. Nakita ko sina Wallace sa may harap ng bench nila Thia. Kapag nakita nila ako, siguradong they’ll laugh at me.
BINABASA MO ANG
T.L. Ako Sa'yo
RomanceNaniniwala ka ba sa true love? Ano nga ba ang true love? Sino ang true love mo? This is the story of the cold-hearted guy Arkin, the sassy girl Thia, and the guy who doesn't know how to frown, Wallace on their journey on finding what you call TRUE L...