Chapter 11 (Lunch time)

705 18 1
                                    

Wallace’s POV

Papunta na ako sa canteen. Galing ako sa faculty room at sinubmit ko ang mga answer sheet namin sa quiz kanina. Ako kasi ang in-charge.

“Ang tagal mo naman.” Wika ni Lian at sinabayan akong maglakad.

“Oh di ka pa pumunta sa canteen? Akala ko ba nauna na kayo nina Drew?” tanong ko.

“Ah, hindi. Nauna silang dalawa. Hinintay nalang kita para may kasama ka. Tara baka maubusan tayo ng ulam.” Wika niya as we approached the canteen. Hinanap naming sina Drew.

“Guys!” sigaw ni Drew sa may gilid. Agad namin silang nilapitan.

“Oh, bakit hindi pa kayo umo-order?” tanong ni Lian nang makitang wala pang order yung dalawa.

“Tara na order na tayo.” Wika ko naman.

“Wait.” Wika ni Drew.

“Ha? Bakit?” nagtatakang tanong ni Lian.

“They’re not yet here.” Tugon ni Drew.

“Who?” tanong ko naman.

“Ayan na sila.” Sagot ni Drew pointing at the door. Papalapit naman sina Thia at Sheena. Anong meron?

“Hello. Sorry natagalan kami.” Wika ni Thia. She’s wearing a ponytail now. Ngayon ko lang siyang nakitang naka-ponytail.

“Okay lang. Tara order na tayo.” Wika naman ni Drew looking at Sheena.

“Okay.” Tugon naman ni Sheena at pumunta na sila sa counter. Nakangiting sumunod si Lian sa kanila. Nakatingin naman ako kina Thia at Arkin.

“Umorder ka na.” wika ni Arkin kay Thia.

“Hmmn, ano oorderin ko?” tanong ni Thia habang nilalapag yung bag niya sa upuan.

“Kahit ano.” Maikling tugon ni Arkin tapos napatingin siya sa akin.

“Halika na Thia, samahan na kitang umorder.” Wika ko.

“Sige.” Tugon ni Thia smiling at me at pumunta na kami sa may counter.

“Talagang pinanindigan mo nang maging right hand ni Arkin ha.”

“Oo naman. Para di na ako awayin niyang bestfriend mo. Matatahimik lang ang konsiyensya ko kapag okay na yung braso niya.” sagot niya habang namimili ng pagkain.

“Sa iyo lang naman ganyan si Arkin eh.”

“Ha?”

“I mean, hindi naman siya nang-aaway ng babae talaga.” sagot ko.

“Talaga lang ha. Grabe kaya siyang mang-away. Kung anu-ano ang binibintang niya sa akin. Nung unang nakita ko kayo, yung nagkabangga kami, hindi siya nagsorry at ako pa nga ang sinisi. Yung libro, hanggang ngayon di parin niya inaamin na ako talaga ang unang nakakita nun. Ni hindi ko pa nga siya nakikitang nagte-thank you sayo. Tapos yung doorknob, hindi ko naman kasalanan iyon. Talagang may sira lang yung doorknob nasilipan pa nga niya ako eh. Tapos sa CR. Hindi ko naman sinasadyang makita sila ni….” Bigla siyang natigilan and terrified as she looked at me.

“Go on.”

“Ha. Ah wala, wag mong nang pansinin yung mga sinabi ko.” Wika niya at iniwasan na niya akong tignan.

“Sinong nakita mong kasama niya sa CR?” tanong ko. She shook her head.

“Wala. Wag mong pansinin ang sinabi ko ha. at saka wag mong sabihin kay Arkin na may sinabi ako. Naku lagot ako sa kanya.”

T.L. Ako Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon