Thia's POV
Nananakit ang buong katawan ko nang minulat ko ang mga mata ko. Puro puti ang nakikita ko. Pagtingin ko sa kamay ko, may nakalagay na dextrose. Nasa ospital na naman ba ako?
"Miss." Isang boses ang narinig ko mula sa gilid ng kama.
Isang lalaking ngayon ko lang nakita. Nakaupo siya sa isang wheelchair. Nakatitig siya sa akin. Napakaseryoso ng mukha niya.
"Are you okay?" tanong niya, agad siyang lumapit sa akin. Pinilit kong bumangon pero nakaramdam ako ng kirot sa tagiliran ko. Nakabandage din ang kanang braso ko. May nakalagay din sa noo ko.
"Anong nangyari?" tanong ko.
"I'm sorry. You got hit by a car. My car. You were injured. Are you okay?" tanong niya seryoso ang mukha niya.
"Ah, opo. Salamat po." Tugon ko agad kong tinignan ang sugat ko sa tagiliran, mukhang nagbuka na naman yung sugat ko. "Ilang oras na po ba akong tulog?" tanong ko.
"You've been out for four hours. Thankfully, your x-ray is normal. We are waiting for the results of your MRI. But the doctor said you only had minor injuries."
"Salamat po, maraming salamat po talaga."
"By the way, you were unconscious the whole time and we have no means of contacting your family, here." Wika niya at iniabot ang cellphone ko. "You can contact them. I'll wait here until they arrive."
"Si-sige."
"Don't worry about the expenses. I'll take care of it."
"Maraming salamat po talaga sir..."
"Just call me Trev." Saad niya.
"Ah, ako naman po si Thia." tugon ko. He smiled.
"If you need anything, just press the button or call us out. I'll just be outside with my driver." Wika niya at agad tinulak nung kasama niya yung wheelchair niya.
Gusto ko pa sana siyang tanungin at makipagkuwentuhan sa kanya, pero kailangan kong tawagan sina mama. Pero paano, magagalit na naman siya sa akin. Lalo pa kapag nalaman niyang nasa ospital na naman ako. I found myself dialing the number of Wallace.
[Thia.]
[Wallace, sorry kung...]
[Thia, they told me hindi karin nila ma-kontact for the past 4 hours. Where are you?] tanong niya.
[Ganito kasi, ah. I'm sorry kung binabaan kita kanina. May nangyari kasi, nan-nandito ako sa ospita...]
[Ospital? Bakit anong nangyari? Okay ka lang ba?] tila nag-aalalang tanong niya.
[Okay lang ako. Ganito kasi, ah, pwede bang huwag mong sabihin sa iba. Pwede mo ba akong puntahan dito sa ospital?] tanong ko. Alam kong napakastupid ko para isipin ito pero, hindi pwedeng malaman nina mama na naospital na naman ako.
[O-okay. Wait for me. I'll be there.] mabilis niyang tugon.
Bumukas ang pinto at pumasok ulit yung lalaking nakawheelchair, si Trev, kasama ang isang doctor.
"How are you feeling?" tanong ng doctor.
"Okay naman po ako dok."
"Thankfully, wala ka namang severe injuries. Galos lang sa kamay mo at sa ulo mo. It seems nauntog ka sa kalsada. We will await for the results of the MRI. As for your wound, nagbuka ulit ito kinailangan ulit naming itong tahiin. Thankfully, it didn't bleed so much. You just have to rest for now."
BINABASA MO ANG
T.L. Ako Sa'yo
RomantikNaniniwala ka ba sa true love? Ano nga ba ang true love? Sino ang true love mo? This is the story of the cold-hearted guy Arkin, the sassy girl Thia, and the guy who doesn't know how to frown, Wallace on their journey on finding what you call TRUE L...