Chapter 9 (His right hand)

674 19 0
                                        

Thia’s POV

<Well thanks to you at naging dependent na ako sa mga kasama ko. Ngayon someone has to carry my bag for me. Someone has to lend me their notes because I can’t even write on my own. Someone has to order my lunch for me because I can’t even carry a damn tray. Are you happy now?> aba nangonsiyensya pa talaga siya. Kanina pa ako nagso-sorry pero parang di naman niya naririnig.

<K-kung gusto mo, para makabawi ako, a-ako nalang ang gagawa niyang mga yan para sa iyo.> damn, ano bang sinasabi ko?

<What?> tanong niya. Akala ko ba matalino siya? Bakit di niya agad ma-gets?

<Lahat ng mga di mo magawa dahil nabali ang braso mo ako na ang gagawa. Tutulungan kita.>

<Are you insane?> tanong niya ulit.

<Kailangan ko pa bang ulitin? Binababa ko na ang pride ko para lang mag-sorry sa iyo pero wala kang pakialam. Kaya ang mabuti pa para matahimik ka na. I’ll be your right hand, hanggang gumaling yang kamay mo. Gets?> tanong ko. Tsk, pagod na akong magsorry. Di rin naman niya naririnig.

<You really are something. You trouble maker. Okay, ginusto mo iyan? Pumunta ka dito sa canteen in 5 minutes. I need to use my right arm.> wika niya at binaba ang phone. Ha? Canteen?

Binilisan ko ang subo ng pagkain ko saka nilaklak yung tubig ko. Nanlaki mata ni Sheena na nakatingin sa akin. Kasama ko siya ngayon sa classroom eating our packed lunch.

“Oh saan ka pupunta?” tanong ni Sheena sa akin.

“Paki-ayos nalang yang lunchbox ko ha. Kailangan ko lang pumunta sa main building. Babalik din ako before magring ang bell. Text mo ko.” Wika ko.

Bago pa siya makapagsalita, iniwan ko na siya. Baka kung anu-ano na naman ang itanong sa akin. Binilisan ko nalang pumunta sa main building. To get there kailangan kong bumaba mula sa fourth floor tapos I have to walk almost 100 meters papunta sa hagdan paakyat sa main building kung nasaan ang canteen. Hinihingal ako nang makarating ako doon. Tapos nag-text siya sa akin.

<Just in time. Here on your right.> sabi sa text.

Tumingin ako sa kanan and there he is sitting. Balot ba balot yung kanyang kanang braso. Mukha nga siyang kawawa. Tsk. Mukha lang pero arogante parin. Nang lalapitan ko na siya, palapit nadin  sa kanya sina Wallace. Tsk. Anong plano nitong lalaking eto?

“Oh, ikaw yung.” Wika nung Drew.

“Thia.” Nakasmile na wika ni Wallace.

“Hello.” Wika ko. Nag-smile din sa akin yung Lian? Di pa kami na-iintroduce formally eh.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Wallace.

“Ah, kuwan…” bago pa ako makapagsalita pinigilan ako ni Arkin.

“Don’t talk to her. She will be my right hand from now on.” Wika niya.

“Ha?” natatawang wika ni Drew. “Right hand?”

“Dahil siya ang may kasalanan kung bakit ganito ako ngayon, siya ang gagawa ng mga bagay na hindi ko magawa from now on.” Wika pa ni Arkin.

“Talaga?” tanong ni Drew.

“Well, let’s eat then.” Nakangiti na wika ni Wallace.

Then sumenyas siya na umupo ako sa tabi niya. Bale pinaggitnaan nila ako ni Arkin. Tinulak ni Arkin yung plato niya sa akin at iniabot yung kutsarat tinidor.

“Make sure na walang buto yang isda.” Wika niya sa akin. Tsk, ano ba itong pinasok ko?

“Naku, Thia, paborito ni Arkin ang isda.” Wika ni Drew na tila nang-iinis. Tsk, at sa lahat pa ng pagkain eh isda pa talaga paborito niya.

T.L. Ako Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon