Thia’s POV
Hay gumagabi na pala. Pagkatapos kong mag-shower agad kong inayos mga gamit ko. Walanghiya, iniwan na ako ng mga kasama ko. sanay na silang nagpapaiwan ako. Minsan kasi kasabay ko si Arkin. Hindi pa open ang relasyon naming kaya nahihirapan pa ako. Hay. Speaking of Arkin. Hindi pa siya nagtetext magmula kaninang lunch. Hmf. Naalala ko na naman si Noemi. Nagmadali na akong umalis at madilim na nga sa labas.
“Arkin…” narinig ko mula sa medyo kalayuan. Pagtingin ko, ha? si Arkin at Noemi… magkayakap?
Lubdub lubdub lubdub.
Para lang akong poste sa kinatatayuan ko. Anong gagawin ko?
a. Magtatago ako?
b. Susugurin ko silang dalawa?
c. Dedma?
d. Manatiling nakatunganga…
D!
Sabi ng utak ko. Nakatunganga lang ako. Nakatitig sa kanila. Ang higpit ng yakapan nila. Eto na naman yung parang may tumutusok sa puso ko. Bakit sila magkayakap? Bakit bumalik si Noemi? Binalikan ba niya si Arkin? Tapos biglang napatingin si Arkin sa kinaroroonan ko. Lalo akong napatunganga. Feeling ko frozen ako. At ang unang iniutos sa akin ng utak ko… takbo Thia. At ginawa ko nga iyon ng walang lingunan. Nakakahiya. Nakakainis. Nakakayamot. Ewan ko, magkakahalo na ang nararamdaman ko. Nang nandun na ako sa may gate lumabo na ang paningin ko. Stupid Thia. Bakit ako umiiyak? Tapos hinayaan ko lang tumulo ang luha ko. finifeel ko lang ang moment. Sabi nga sa theme song ng “The Heirs” -This is the momeeeeent.
Napayuko ako. Eish. Bakit ba ganito? Bakit kailangan ko pa silang makitang magkayakap? Tapos naaninagan kong may paa sa harap ko.
“Here.” Wika ng boses tapos may panyo. Iniangat ko ang ulo ko.
“Wallace!” gulat kong wika tapos pinunasan ko agad yung luha ko.
Ngumiti siya. Tapos pinunasan luha ko gamit yung panyo niya.
“Whoah, this is such a beautiful day but it seems like someone is not appreciating its beauty.”
Tinitigan ko lang siya. Iniisip ko kung anong dahilan ang sasabihin ko sa pag-iyak ko.
“Ang pangit mo palang umiyak.” Wika niya pa.
“Di ka pa pala nakauwi.” Tugon ko trying to change the topic.
“I went to my favorite place tapos hindi ko namalayan gabi na pala. Ikaw bakit hindi ka pa umuuwi?” tanong niya.
“Favorite place?” tanong ko.
“Secret yun. Pero kapag sasabihin mo sa akin kung bakit ka umiiyak, sasabihin ko sayo kung saan yung favorite place ko.”
“Ah, wala to, may naalala lang akong sad story.” Tugon ko.
“Wound you mind sharing me that sad story?”
“Ha? Ah, eh. Wala yun. O.A. lang ako.” Sagot ko. Tapos pagtingin ko sa may gate nakita kong palabas sina Arkin at Noemi. Nung time na yun feeling ko sasabog na ako.
“Ha, si Ark…?” wika ni Wallace pero di na niya naituloy ang sasabihin niya nang hilain ko siya palayo.
“Tara sa mall. Samahan mo ako. May bibilhin lang ako.” Wika ko habang hatak siya. Mabilis ang lakad ko. Buti nalang hindi siya naghesitate at sumama lang siya sa akin.
Bahala na. Naiinis na ako. Kailangan pa talaga niyang ipakita sa akin na kasama niya si Noemi? Anong gusto niyang palabasin? Nakakainis talaga.
Nakakainis!

BINABASA MO ANG
T.L. Ako Sa'yo
RomantikNaniniwala ka ba sa true love? Ano nga ba ang true love? Sino ang true love mo? This is the story of the cold-hearted guy Arkin, the sassy girl Thia, and the guy who doesn't know how to frown, Wallace on their journey on finding what you call TRUE L...