Chapter 47 (Frozen)

450 15 0
                                    

Paul Jake's POV

After 10 years saka lang ako magkaka-POV. Haha.

Kasama ko ngayon si queenbee ko. Susunduin namin sa airport yung mama niya. Ngayon daw kasi darating.

"Queenbee, okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya. Paano ang init-init dito sa airport. Siyempre buntis siya, two months na pala. Ambilis ng panahon.

"Okay lang ako honeybee." Tugon niya.

"Tingin mo magugustuhan ako ng mama mo? Baka mamaya ayaw niya pala sa akin."

"Okay lang, siguradong magugustuhan ka ni mama. At isa pa, excited nga siyang makilala ka eh."

"Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag sinabi natin ang tungkol sa pagbubuntis mo?" tanong ko.

"Hindi ko nga alam eh. Kinakabahan ako." Tugon niya. agad ko siyang niyakap.

"Don't worry queenbee. I'm just here. Hindi kita pababayaan." Just then someone was approaching us.

"Mama!" masayang wika ni queenbee at sinugod ito ng yakap.

"I'm so glad to see you." Tugon nito at napatingin sa akin. "Ito na ba si Paul Jake?" tanong niya. Agad akong lumapit at nagmano.

"Tita Agnes, ako po si Paul Jake. Nice to meet you po." Wika ko.

"It's nice to meet you too. I've heard so much about you. Lagi ka kinukuwento nitong si Tauriel." Tugon ni tita Agnes.

"Mama, nasaan po si kuya?" tanong ni queenbee.

"Ah, he took another flight. He'll be here soon. For now, umuwi muna tayo. Gusto kong ayusin ang mga dadalhin natin sa puntod ng lola mo bukas." Wika niya.

"Sige po mama." tugon ni queenbee and we got into my car. Oo, may kotse din ako no. Binilhan din ako ni papang. Bakit akala niyo si Thianak lang ang meron?

"So paano kayo nagkakilala" tanong ni tita they're at the backseat habang ako naman ang nagmamaneho.

"Nagkakilala kami sa restaurant. Nung kumain kami ng mga friends ko siya yung nag-serve ng food namin."

"Restaurant?"

"Actually ma, pag-aari ng ate niya yung restaurant. Chef siya dun." Tugon ni queenbee.

"Talaga, then let's go there sometime."

"Opo ma, masarap po ang food doon, the best."

"Ano nga pala yung gusto mong sabihin sa akin?" tanong ni tita.

"Ah, ma, sasabihin ko nalang po kapag nandito na si kuya at pakatapos ng death anniversary ni lola." tugon ni queenbee giving me a look at the mirror.

"Okay." Tugon ni tita.

Kinabahan ako ng todo. Kaya ko bang sabihin sa mama niya? Paano kung hindi sila pumayag na magpakasal kami? Paano kung ayaw nila sa akin? Pagdating namin sa bahay nila, kanina pa kami nagtitinginan ni queenbee, hindi namin alam kung paano sasabihin ang tungkol sa pagbubuntis niya.

Agad kaming nagtungo sa kusina.

"Paano natin sasabihin sa kanya?" tanong ko.

"Hindi ko nga rin alam eh." Tugon niya. "Kinakabahan nga ako. Hindi ko alam ang gagawin ko."

"Shhh, don't worry queenbee, we'll figure it out. Huwag ka nang mag-worry, makakasama kay baby yan." Tugon ko.

"Baby?" bigla kaming napatingin sa may pintuan, nanginig ang tuhod ko finding tita Agnes there.

"Ma..."

"Baby?" tanong ulit niya.

"Ah, eh, ma-mama." nataranta narin si queenbee.

T.L. Ako Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon